Suklam (38)
“ISINAMA ako at naghapi-hapi kami sa isang bar—medyo nalasing nga ako, ‘Tay. Mabuti at nawala ang pagkalasing ko nang makalabas sa bar. Siguro dahil sa usok ng yosi kaya ako nalasing,’’ sabi ni Brent nang nakaupo na sa sopa.
“Bakit ka niya isinama?’’
“Nagtataka nga ako, ‘Tay. Pero sabi niya, gusto akong maging kaibigan.’’
“Wala ka namang nahahalata na kakaiba habang nag-iinuman kayo?’’
“Wala naman kundi ang sabi sa akin e magkuwento raw ako ng mga nangyayari sa opisina.’’
“Anong sagot mo?’’
“Sabi ko’y wala namang nangyayari sa opisina.’’
“’Yun lang ang sinabi mo?’’
“Opo.’’
“’Kala ko nagkuwento ka tungkol sa ginagawa ng asawa.’’
“Hindi ’Tay. Naalala ko ang sinabi mo. Nakontrol ko ang sarili.’’
“Tama ‘yun. Huwag ka nang makialam sa problema nila. Hayaan mo na ang lalaki ang makadiskubre sa ginagawa ng asawa.’’
Napatango si Brent.
“Pero ’Tay mukhang hindi ako titigilan at talagang pinipilit akong magkuwento. Lumabas daw uli kami minsan—mag-inuman daw uli.’’
“Basta huwag mong sasabihin ang mga nalalaman mo.’’
Itutuloy
- Latest