^

True Confessions

Dioscora (238)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

BIKTIMA si Mam Dioscora ng lalaking biyenan. Pinu­wersa raw siya ni Simon Pedro. Pinasok siya sa banyo habang naliligo. Wala ang asawa niyang si Nicodemus nang maganap ang panggagahasa.

Nagtagumpay si Simon Pedro sa hangarin sa manugang. Hindi na isinaalang-alang na parang anak na rin niya si Mam Dioscora.

“Hayok siya sa laman. Wala siyang pinipili. Kapag nakaramdam siya ng pagkagutom, idaraos niya kahit anong mangyari,’’ sabi ni Mam Dioscora na halata sa tinig ang pait na dinanas sa kamay ng biyenan.

“Kaya pala nang ipakilala ako ni Nico sa hayok na yun ay ganun na lamang ang pag­kakatitig sa katawan ko—para akong hinuhubaran. Pero dahil una ko pa lang siyang na-meet hindi ko na gaanong pinansin. Baka naman nagkakamali lang ako. May mga bagay na dapat palampasin at huwag nang bigyan ng kulay.

“Pero may mga pagkakataon na talagang nahuhuli ko siya na nakatingin sa akin lalo na kapag ako ay naka-shorts at walang suot na bara. Masya­dong kakaiba ang pagkakatitig niya na parang hayok na hayok.

“Mas lalo kong napapansin kapag umalis na ng bahay si Nico ay palihim at panakaw ang tingin niya sa akin. At napansin ko rin na hindi agad siya umaalis ng bahay gayung dati ay mga eksaktong alas otso ng umaga ay patungo na siya sa kanyang tanggpan. Pero alas onse na ay hindi pa siya umaalis. At nagkakataon naman na ang oras na iyon ang aking paliligo. Hanggang pasukin na nga niya ako at nagtagumpay na angkinin.

“Sa takot na patayin ako, hindi ko magawang magsumbong kay Nico. Sinarili ko na lamang ang lahat. Hindi ko pinahalata kay Niko ang ginawang pamumuwersa sa akin ng kanyang ama. Dalawa ang kinatatakutan ko kapag nagsumbong—patayin ako ni Simon Pedro­ o makapatay si Nico. Ayaw kong mangyari iyon. Maaari ko namang tiisin ang lahat.

“Minsan nahalata yata ni Nico na matamlay ako. Tinanong ako kung may problema. Sagot ko ay wala. Alam kong naghihinala siya pero pinatigasan ko na wala akong problema.

“Ang akala ko, tapos na ang kalbaryo ko sa kamay ni Simon Pedro pero hindi pa pala. Mas matindi pa pala ang mga kasunod.

“Muli akong pinasok ng hayok sa banyo. Nakapasok siya kahit ni-lock ko ang pinto. May sarili siyang susi.

“Muli tinakot na naman niya ako. Huwag akong magsusumbong sapagkat ma­sama ang mangyayari—papatayin ako. Gumapang ang kilabot sa katawan ko.

“Hanggang sa muli na namang nag­laro ang kanyang mga palad sa katawan ko—nilamas ang dibdib ko hanggang sa paulit-ulit na naglaro ang daliri sa aking kaselanan. Kasunod ay ang muling pag-angkin sa aking pagkababae…”

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with