^

True Confessions

Dioscora (231)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAISIP ni JC, sabihin man niya kay Mam Dioscora ang lahat ng mga ikinuwento sa kanya ni Simon Pedro o Tatay SP, wala rin siyang makuhang ganap o malinaw na kasagutan. Hindi raw totoo ang mga sinabi ni SP ayon kay Mam. Sino ang paniniwalaan niya? Sino ang nagsasabi ng totoo. Naisip ni JC, mabuti pang huwag na siyag magsalita at hayaan na lamang na gumulong ang lahat. Naguguluhan na rin siya sa mga nangyayari.

“B-bakit ayaw mo akong sagutin, JC? A-ano pa ang masasamang sinabi tungkol sa akin ng hayop na si Simon Pedro? M-magsalita ka JC, hik!’’

Pero nanatiling tahimik si JC. Hindi na siya magsasalita. Kahit pilitin siya ni Mam, wala na siyang sasabihin. Mas magiging tahimik kung wala na siyang ibubulgar pa kay Mam.

“S-Sabagay, hindi kita masisisi kung maging matapat ka kay Simon Pedro. Nahuhulaan ko, may maganda ka nang posisyon sa kompanya—pinangakuan ka. H-Hindi ako magtataka kung ikaw na ang maging president ng kompanya. K-Kaya mo naman dahil matalino ka. K-Kilala kita, JC. P-pero sana, huwag mo rin akong kalimutan—sana maalala mo rin ako…’’ sabi ni Mam at umiyak. Umagos ang luha sa pisngi.

Nabagbag na naman ang kalooban ni JC. Kapag umiyak ang babae sa harap niya, lumalambot ang puso niya. Hindi niya kaya ang pag-iyak ng babae. Sa sinabi ni Mam,  nagbalik ang alaala nang una silang magkita at magkakilala. Nasira ang kotse nito at siya ang tumulong para madala sa shop na pinagtatrabahuhan. Ang sumunod ay ang pagkikilala nila nang lubusan at ang pagtulong sa kanya. Hanggang sa alukin na siyang pag-aralin—hindi lamang siya kundi pati si Maria. Napakalaki ng utang na loob niya kay Mam.

“Sorry Mam. Hindi naman kita kinalilimutan. Maaari ba kitang kalimutan,’’ sabi niya at inakbayan si Mam.

Tumigil sa pag-iyak si Mam.

“Sorry…” sabi niya.

Yumakap sa kanya si Mam.

“M-mahal kita, JC!’’

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with