^

True Confessions

Dioscora (226)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“NAPAKASAKIT ng ginawa sa akin ni Simon Pedro! Pinakamasakit ay nang ilayo niya ang anak kong si Shappira. Walang kasingsakit na halos ikasira ng ulo ko. Mabuti pang pinatay na ako kaysa naman habambuhay na malayo sa aking anak,’’ sabi ni Mam Dioscora at nayugyog ang mga balikat dahil sa pag-iyak.

Nababagbag ang kalo­o­ban ni JC habang umiiyak si Mam Dioscora. Nararamdaman niya ang paghihirap ng kalooban nito.

Pero naguguluhan si JC. Sino ang paniniwalaan niya —si Mam o si Tatay SP? Sino ang nang-api? Sino ang masama sa kanila?

“Hindi ko pinabayaan ang anak ko. Sino bang ina ang pababayaan ang anak? Mahal na mahal ko si Shappira. Pawang kasinungalingan ang sinabi sa iyo ni Simon Pedro. At hindi na ako magtataka kung ang lahat nang ikinuwento niya sa’yo ay pawang imbento.

“At siguro pati ang pagkamatay ng asawa kong si Nicodemus ay sinisi rin niya sa akin. Nahuhulaan ko, pinahihinalaan niyang kagagawan ko ang pag­kamatay ni Nico. Ano ang sinabi ni Simon Pedro tungkol sa pag­kamatay ni Niko, JC? Sagutin mo ako JC? Gusto kong malaman ang mga sinabi ni Simon Pedro.’’

Hindi agad nakapagsalita si JC. Parang nag-aalala siya kung sasabihin ang mga ikinuwento ni Tatay SP ukol sa pagkamatay ni Nicodemus.

Pero kailangan niyang magpasya at isiwalat ang anumang sinabi ni SP sa kanya.

“Ano ang sinabi sa iyo ni Simon Pedro?’’ tanong muli ni Mam,

“Sabi ni SP, ikaw daw ang dahilan ng kamatayan ni Nico­demus. Ayaw mo raw ipadala sa ospital. Nagtataka raw siya kung bakit ayaw mong ipadala sa ospital si Nicodemus.’’

“Sabi ko na nga ba! Talagang ako ang may kasalanan nang lahat! Talagang na­pakasama ko—walang kasing­sama!’’

Tumayo si Mam at nagtungo sa kinalalagyan ng alak. Nagsalin.

Bumalik sa kanya.

“Pinatay ko raw si Nico? Ganun ba ang ibig sabihin?’’

Tumango si JC.

Uminom ng alak si Mam. Inubos ang laman.

Itutuloy

vuukle comment

DIOSCORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with