^

True Confessions

Dioscora (33)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

(Ang babaing hindi niya malilimutan)

“Kung buhay si Tatay, siya ang magsasabit sa’yo ng medal,’’ sabi ni JC habang nililigpit ang pinagkainan pero kinuha ni Maria.

“Ako na Kuya.’’

“Tiyak na matutuwa na naman si Tatay kung siya ang magsasabit ng medal mo. Noong nakaraang taon na recognition mo, tuwang-tuwa siya. Laging ikinukuwento. Paulit-ulit.’’

“Akala ko nga Kuya, siya uli ang magsasabit—hindi na pala,’’ sabi ni Maria habang nasa lababo at hinuhugasan ang pinggan na pinagkainan ni JC. Parang iiyak si Maria.

“Hindi mo talaga alam ang mangyayari. Sino ba ang magsasabi na iiwan tayo ni Tatay nang bigla-bigla? Talagang mahiwaga ang buhay.”

Hindi nagsalita si Maria at patuloy lamang sa pag­huhugas ng pinggan pero nahuhulaan ni JC na lihim na umiiyak ang kapatid.

“Pero nagparamdam si Tatay ilang araw bago siya namatay. Parang premonition niya. Ipinagbilin kang mabuti. Huwag daw kitang pababayaan. Siguro mga dalawa o tatlong beses niyang sinabi na huwag kitang pababayaan. Naitanong ko nga sa sarili ko na bakit ga­nito ang mga sinasabi ni Tatay. ‘Yun pala, malapit na siyang mamaalam. Sa’yo Maria, wala bang paramdam sa iyo si Tatay?’’

“Wala naman Kuya.’’

“A siguro ayaw ka niyang pag-isipin. Kaya sa akin sinabi ang mga huling habilin niya.’’

“Siguro nga Kuya. Alam niya matatakutin ako.’’

“Teka nga pala, ano bang course ang balak mong kunin?’’

“Gusto ko’y nursing Kuya. Alam ni Tatay na ‘yan ang gusto ko.’’

“Ganun ba? Kailangan pala talaga kumayod ako nang ayos. Sana makatapos na ako at nang makapagtrabaho nang maayos. Malaki rin ang tuition fee ng nursing.’’

“Oo nga raw Kuya.’’

“Kakayanin kitang pag-aralin ng nursing, Maria. Basta naniniwala ako.’’

Napangiti si Maria. Ta­lagang positibong mag-isip ang Kuya JC niya.

PASADO alas dos ng hapon, tinatapos nina JC at Mulo ang paglilinis ng aircon nang may tumigil na kotse sa harap ng shop.

Si Mulo ang nakapansin sa sakay ng kotse.

“JC, si Mam Dioscora!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

JC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with