^

True Confessions

Kaibigan (216)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTUNGO pa si Dex sa dakong itaas o pinakaburol ng nabiling lupa para matiyak kung may bukal din dun ng tubig.

Nang sapitin niya ang mataas na lugar, wala siyang nakitang bukal. Ininspeksiyon din niya ang hangganan ng lupa at wala naman siyang nakitang bukal.

Nagkaroon siya ng konklusyon na kalahati ng nabiling lupa ay may bukal at kalahati ay natural na ma­aring pagtaniman o pagtayuan ng bahay.

Pero paano niya tataniman ang lupang may katabing bukal. Baka kung kailan marami na siyang tanim ay saka naman magkakaroon ng landslide o sinkhole. Kung may tubig sa ilalim, tiyak na hihina ang pundasyon ng lupa. Kakainin ng tubig ang lupang may mga tanim. Masasayang lahat ang pagod at pera.

Sa tindi ng pag-aalala ay napaupo si Dex sa punong natumba. Nag-isip siya. Mawawalan yata ng silbi ang lupang binili nila. Nagkamali yata sila ni Lara sa pagbili ng lupang ito. Puwede pa kaya nilang habulin ang nagbenta? Pero baka matalo lang sila kung maghahabol. Baka sisihin pa sila ng may-ari at sabihin sa kanila na “ba’t hindi ininspeksiyon bago nagbayad”.

Napabuntunghininga si Dex. Sunud-sunod. Sinisisi rin niya ang sarili kung bakit hindi muna niya tiningnan o ininspeksiyon ang lupa. Hindi sana niya hinayaan na si Lara lamang ang bumisita rito noon. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Nang balikan niya si Lara sa pinag-iwanang lugar ay wala pa rin ito sa mood. Mukhang balisa.

Sinabi niya ang natuklasan sa lupa na kalahati ay may bukal at kalahati ay normal na maaring taniman.

Pero hindi iyon nagpabago sa mood ni Lara at lalo pang naging problemado dahil sa natuklasan nila ukol sa lupa.

“Halika na uwi na tayo. Baka bukas o sa makalawa may solusyon na sa problema,’’ sabi niya at inakbayan si Lara.

Bumalik na sila sa Maynila.

KINABUKASAN, nag-research si Dex sa internet kung ano ang maaaring gawin kung ang lupa ay napapaligiran ng bukal ng tubig. Nalaman niya na kapag may bukal, walang tigil ang agos nito. May kanya-kanya palang kalsada ang mga bukal. Na-research niya na para hindi humina ang pundasyon ng lupa, taniman ng mga kawayan ang paligid. Mahusay na pampatibay sa lupa ang ugat ng kawayan.

Hanggang isang ideya ang biglang pumasok sa isip ni Dex.

Pinuntahan niya si Lara na noon ay nagluluto sa kusina.

“Mayroon akong naisip gawin sa ating lupa, Lara.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with