^

True Confessions

Kaibigan (199)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Si Lara ang nasa loob ng cabinet! Manipis ang suot nito at halatang basa! Parang naligo! Basa ang buhok.

“Sabi ko na nga ba at ikaw ang nariyan,” sabi ni Dex na pinipilit ngumiti kahit na naguguluhan at nagtataka sa nangyayari.

Kumilos si Lara para lumabas sa cabinet. Halatang nahihirapan dahil sa pagkakasalampak sa loob. Pilit pinagkasya ang katawan sa cabinet.

Tinulungan ni Dex na makalabas at makatayo. Hinawakan ang kamay at braso at inalalayan. Bakat ang katawan ni Lara sa suot. Bakit nagsuot ng ganito si Lara at basa pa.

Inalalayan ito ni Dex hanggang sa sopa. Nang makaupo ay saka lamang nag-usisa si Dex.

“Bakit nagtago ka pa sa cabinet? Alalang-alala ako sa’yo. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo? Naisip ko tuloy na may nakapasok ng ibang tao rito at kung ano ang ginawa sa’yo. Bakit mo ginawa yun? Di ba kaya mo ako pinapunta rito ay para sabihin sa akin ang parusang ibibigay mo? Anong nangyari Lara? At saka bakit basa ka? Naligo ka ba? Kasi ang shower ay bukas kanina. Bakit iniwan mong bukas. Teka magpalit ka muna ng damit at baka mapulmonya ka. Nakababad ang katawan mo sa basang damit na ‘yan. Kung bakit kasi nakahiligan mong maligo sa gabi. Dapat hindi ka naliligo at baka magkasakit ka. Mayroon akong alam na laging naliligo sa gabi bago matulog e nagkaroon daw ng tubig ang baga. Mabuti na lang at naagapan at hindi na lumala.

“Ikaw ba ang nagbukas ng ilaw kanina. Gulat na gulat ako. Kinabahan din dahil baka nga ibang tao ang gumawa niyon. Ang nasa isip ko nga kasi ay baka mayroong nakapasok na iba at kung ano na ang ginawa sa’yo. Naisip ko rin naman na baka nasa ospital ka pa at naiwan mong bukas ang room mo. Pero imposible yun dahil may usapan nga tayo na pupunta ako rito ng alas dose ng hatinggabi para malaman kung ano ang ipaparusa mo sa akin.

“Ano nga ba ang ipaparusa mo sa akin? Gusto ko nang malaman para magawa ko na. At para mawala na rin ang galit mo sa akin. Siguro kung magagawa ko na ang parusa ay mapapatawad mo na ako.

“Sige na Lara, sabihin mo na ang ipaparusa mo. Para makapagpahinga ka na at para makapagpalit ka na rin ng damit. Basang-basa ka. Sabihin mo na sa akin ang ipaparusa.’’

Pero sa halip na sumagot o magsalita si Lara, niyakap nito si Dex at saka hinalikan sa labi. Nabigla si Dex pero sa kabila nang pagkabigla, damang-dama ng labi niya ang napakalambot na labi ni Lara. ­Naging malikot ang dila ni Lara.

At walang nagawa si Dex kundi paglaruin na rin ang kanyang dila. ­Naglaro ang kanilang mga uhaw na dila.

(Itutuloy)

vuukle comment

KAIBIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with