^

True Confessions

Kaibigan (161)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Sure ka nang makakapunta rito sa Riyadh, Dex! Magkakasama na tayo!’’ sabi ni Lara nang tawagan ni Dex ng gabing iyon dakong alas onse ng gabi dito at alas siyete naman sa Riyadh.

“Magmi-medical pa ako Lara at hinihintay ko pa ang passport.’’

“Sure na ‘yan. Wala ka namang sakit kaya walang problema sa medical mo.’’

“Paano kung may ma­kita sa x-ray ng baga ko?’’

“Anong makikita?’’

“Ano…spot… di ba nang­yayari ‘yun?’’

“Para kang tanga. Paano ka magkaka-spot e hindi ka naman nagyoyosi. Hindi ka rin expose sa usok ng pabrika o mga sasakyan. Paano ka magkaka-spot.’’

“E di ba may mga kaso na hindi naman naniniga­rilyo­ pero nagkasakit sa baga.’’

“Ikaw talaga kung anu-ano ang nasasaisip mo. Ka­pag ‘yan ang inisip mo, mangyayari nga sa iyo. Ang isipin mo e pawang maganda para maganda ang kalalabsan. Huwag puro negatibo.’’

“Naisip ko lang naman yun. Pero dahil sinabi mo e di susundin ko.’’

“Pawang positibo ang imadyinin mo para maganda ang outcome. Ako ganyan ang ginawa ko nung nag-aaplay dito. Inisip ko, matatanggap ako sa Riyadh at magi­ging malaki ang suweldo. O nagkatotoo. Narito ako at maganda ang trabaho.’’

“Ganyan din ang iisipin ko mula ngayon, Lara.’’

“’Yan ang tama. Ting­nan mo at maganda ang resulta kapag pawang positibo ang inimadyin mo.’’

“Teka nga pala, kapag pupunta na ako diyan, sino ang sasalubong sa akin sa airport?’’

“Yung tauhan sa personnel department.’’

“Hindi ikaw?’’

“Hindi. Bawal ang ba­bae na sumalubong. Mali­ban na lamang kung babae rin ang sasalubungin.’’

“Ganun ba?’’

“Oo. Pero huwag kang mag-worry at hindi ka ma­wawala sa aiport.’’

“Iniisip ko kasi baka hindi ako makita ng susundo.’’

“O nagnenegatibo ka naman.’’

“Oo nga ano? Ha-ha-ha! Para akong tanga!’’

“Oo nga para kang tanga.’’

“Pasensiya na sa pagiging tanga, ha-ha-ha!’’

“Pero nakakatuwa ang pagiging engot mo.’’

“Bakit?’’

“Basta.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with