^

True Confessions

Kaibigan (115)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

‘‘Bakit malalim ang buntunghininga mo? Ayaw mo sa plano kong pakasal tayo?’’ tanong ni Dex.

‘‘Gusto,’’ sagot ni Tess at isiniksik ang ulo sa dibdib ni Dex.

‘‘Yun naman pala! E di okey na ang plano nating pagpapakasal?’’

Tumango si Tess.

Hinalikan ni Dex sa noo.

‘‘Para opisyal na mag-asawa tayo. Gusto ko nasa ayos ang pagsasama natin. Ayaw ko rin kasing mang-agrabyado ng babae. Ang babae ay hindi dapat inaapi pagdating sa relasyon.’’

‘‘Hindi mo naman ako inaagrabyado ah. Mahal na mahal mo nga ako.’’

‘‘Mas maganda kung kasal tayo. Lalong magkakaroon ng bigkis.’’

‘‘Ibang klase ka talaga, Dex. Napakasuwerte ko at ikaw ang lalaking minahal ko, Karapat-dapat ka talagang mahalin.’’

‘‘Naks naman. Parang dialogue sa telenobela yan ah.’’

‘‘Totoo naman. Naiiba ka Dex. Kaya lalo kang napapamahal sa akin.’’

‘‘Sige naniniwala na ako,’’ maya-maya ­nagyaya na si Dex.

‘‘Halika na. Kumain na tayo sa seafood restaurant. Palagay ko, marami akong makakain ngayon. Nagutom ako sa paglalakad.’’

‘‘Ako rin, Dex, ha-ha-ha!’’

Nagtungo sila sa restaurant na nasa tapat ng kanilang hotel na inookupahan.

Umorder si Dex ng iba’t ibang seafood.

‘‘Mag-beer tayo, Tess.’’

‘‘Game!’’

Masarap na masarap ang hapunan nila. Masayang-masaya sila.

Kinabukasan, ­tanghali na ay nasa kama pa sila.

‘‘Ang sarap ng honeymoon natin, Tess. Mamaya uli.’’

Kinurot siya sa singit ni Tess,

(Itutuloy)

vuukle comment

DEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with