^

True Confessions

Kaibigan (26)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

UMORDER pa ng dala­wang malamig na beer si Dex. Bale magtatatlong bote na ang nakonsumo nilang dalawa. May nara­ramdaman nang panining­kit ng mata si Dex. Ngayon lang siya nakainom ng ganito karaming beer. Pero masarap sa pakiramdam. Okey ang pagkukukuwentuhan.

“Ano ba ‘yung sabi mo na nakakahiyang ikuwento, King? Naiintriga ako. Baka ‘yan ang dahilan kaya ayaw kayong patawarin ng magulang ni Lara.’’

Napabuntunghininga si King. Parang ayaw ikuwento ang mga nangyari. Bantulot.

Pero sa kapipilit ni Dex ay napilitan.

‘‘Nakakahiya mang iku­wento e sasabihin ko na rin, Dex. Kung hindi lang kita kaibigan hindi ko sa­sabihin ito, Ikinahihiya ko talaga. Gusto ko sana sarilinin na lang.’’

Parang nakonsensiya si Dex sa sinabi ni King.

‘‘Sige kung sa palagay mo ay dapat sarilinin e okey lang King. Iginagalang ko ang pasya mo.’’

Dinampot ni King ang beer at sumimsim. Nang ibaba ay nakangiti.

“Sige sabihin ko na. Atat ka na e. Kanina ka pa excited sa mga ikinukuwento ko.’’

Nagtawa si Dex.

“Buti alam mo, ha-ha-ha!’’

Nagsimulang magkuwento si King.

“Ang papa ko at ang mama ni Lala ay naging magkasintahan. Kay papa ko mismo nalaman ang lihim. Ikinuwento niya noong maysakit na siya at malapit nang mamatay. Ayon kay papa, namanhikan na sila mama ni Lara. Napagkasunduan na ang araw ng kasal, ang handaan, mga ninong at ninang at kung anu-ano pa.

Pero sumira si papa sa usapan. Hindi natuloy ang usapang pagpapakasal. Kasi nabuntis na pala ni Papa ang isa pang nobya na walang iba kundi ang aking mama. Mas pinili raw ni Papa si Mama kasi, kawawa naman ito dahil buntis na. Pero halos isumpa naman siya ng mama ni Lara at mga magulang nito. Kakahiya ang nangyari. ‘Yan ang kuwento, Dex.’’

‘‘Talagang magagalit pala ang mama ni Lara. Kasi, malaki pala ang nagawang kasalanan ng papa mo.’’

‘‘Oo nga pero sana, hindi kami dina­may ni Lara.’’

“Hindi malimutan ang nakaraan.’’

‘‘Bakit kami ang pagdurusahin?’’

Hindi na nagsalita si Dex.

Maya-maya ipinasya na nilang umuwi. Binayaran ni Dex ang nakain at ininom nila.

Pagdating sa bahay, masaya pa rin silang nagkukuwentuhan.(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with