^

True Confessions

Monay (147)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Papasukin mo ako Bro at mag-usap tayo. ­Pakinggan mo ang mga sasabihin ko,’’ sabi ni Mark na may pag-aalala sa boses sa nangyayari sa kaibigan. “Alam kong kaya mong malimutan ang lahat na hindi na kailangan ang tulong ng alak. Please, Bro…’’

Huminga nang malalim si Joem. Tumingin kay Mark. ­Huminga muli.

Saka binuksan nang maluwang ang pinto.

“Halika.’’

Pumasok si Mark. Kinabig niya ang pinto nang makapasok. Marahang nagsara ang pinto.

Umupo naman sa gilid ng kama si Joem. Halatang lango pa sa alak.

Hinatak ni Mark ang isang silya at naupo sa harap ni Joem.

‘‘Akala ko okey ka na Bro. Nang umalis ako rito noong isang araw sabi mo kaya mo nang mag-isa. Akala ko natanggap mo na ang lahat. E naghanap ka pala nang ibang makakasama – alak. Hindi ka matutulungan niyan, Bro. Sandali kang makakalimot pero paggising mo, naroon pa rin ang isipin mo. Hindi magandang kaibigan ang alak, Bro.’’

Tiningnang mabuti ni Mark si Joem. Halatang di-naliligo at nag-aahit. Hindi na rin nagpapalit ng damit. Malayung-malayo sa dating itsura nito.. Parang hindi Presidente ng kompanya.

“Alam mo Bro, hindi lamang sarili mo ang iyong napapabayaan pati ang kompanya na ipinagkatiwala ni Cath sa mga kamay mo. Alam mo bang kapag walang ama ang kompanya, parang naliligaw ang mga anak?
Di ba sabi mo, aalagaan mong mabuti ang kompanya para nasa ayos din ang buhay ng mga empleyado. E sa nangyayari sa’yo ngayon, parang ayaw mo nang magtrabaho. Mas gusto mong dito na lang sa kuwarto mo magkulong na kasama ang alak. Sa ginagawa mong yan ay baka naghihirap ang kaluluwa ni Cath sa ­kinaroroonan niya. Baka umiiyak siya dahil ang kompanyang ipinagkatiwala sa iyo ay pinababayaan mo na. Kung nakikita ni Cath ang itsura mo ngayon baka mapaiyak siya. Hindi ganyan ang inaasahan niya. Ang tingin kasi sa’yo ni Cath ay matalino, malakas, masipag, matiyaga at mapagmahal. Kaya nga payapa siyang lumisan dahil ang alam niya, kaya mong gampanan ang lahat.

“Isipin mo Bro. Please, mag-isip ka. Magpasya ka ngayon na. Baka sa ginagawa mo, si Cath ang nahihirapan. Maaatim mo bang umiyak ang babaing pinakamamahal mo?’’

Sa sinabi ni Mark, may kumislap sa isipan ni Joem. Nagliwanag ang kanyang nadirimlang isipan. (Itutuloy)

vuukle comment

MARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with