^

True Confessions

Ang Babae sa Silong (Wakas)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Nagulat at hindi agad nakasagot si Manang Oya sa tanong ni Gab. Kanina lamang ay pinag-usapan nila ni Dado ang tungkol sa butas sa sahig kung saan ay nasilipan nito si Gab. Naisip niya, naghihinala na yata si Gab. Pasimple siyang sumulyap kay Dado. Wala itong kakilus-kilos sa pagkakatayo sa tabi ni Gab.

‘‘Bakit natigilan ka Manang?’’ tanong si Gab.

“Ha? A e may naisip lang ako, Gab. Ano nga uli ang tanong mo?’’

Nakangiti si Gab nang ulitin ang tanong.

“Hindi po ba naninilip itong si Dado?’’

“Anong nanininilip Gab?’’

‘‘Naninilip po ng babaing nagbibihis o kaya’y naliligo.’’

“Aba sa pagkakaalam ko e hindi yan naninilip. Mabuting tao yan! Matagal na kasing nakatira rito yang si Dado kaya alam ko na ang ugali.’’

Napatangu-tango si Gab.

“E bakit mo naman naitanong ang tungkol sa paninilip Gab?’’

“Kasi po’y may mga oras noon na kapag nagbibihis ako sa aking kuwarto sa silong ay pakiramdam ko ay may mga matang naninilip sa akin.’’

“Kailan nangyari yun, Gab?’’

“Noon pong kalilipat ko lang dito Manang.’’

“Bakit hindi mo sinabi sa akin?’’

“E hindi ko na po sinabi dahil hinala ko lang naman.’’

“Saan sa palagay mo may nakasilip, Gab?’’

“Dito po sa itaas.’’

Napakunot ang noo ni Manang Oya.

“Dito sa taas? Dito sa kuwarto ni Dado? Wala namang butas ang sahig dito, Gab. Maski inspeksiyunin mo, wala kang makikitang butas.’’

“Hinala ko lang naman yun Manang Oya.’’

“Pero hayaan mo at ako mismo ang mag-iinspeksiyon sa sahig ng kuwarto ni Dado.’’

“Sabagay Manang kung may nanilip man sa akin sa silong e hindi ako nagagalit. Hindi naman niya nakuha ang nasilip niya.’’

“Sabagay. Pero iinspeksiyunin ko pa rin ang sahig. Matagal na rin kasi ang sahig dito sa second floor – 70s pa yan ginawa ng asawa ko.’’

“Pero Manang talagang mapagkakatiwalaan itong si Dado ha?’’

“Oo. Nakadyakpat ka kay Dado. Mabait at mapagkakatiwalaan yan. Hindi yan nanininilip, he-he-he!’’

“Nagtitiwala ako sa’yo Manang.’’

“Maniwala ka sa akin, Gab. Para kang tumama sa lotto diyan kay Dado.’’

“Salamat Manang. Nga-yon ay talagang wala nang atrasan ang pagpapakasal ko rito kay Dado.’’

“Sige ituloy n’yo na para matupad ang pangarap kong maging ninang, ha-ha-ha!’’

Nagpaalam na si Manang Oya.

Nang makaalis, masa-yang nag-usap sina Gab at Dado.

“Talagang tapat na kaibigan si Manang ano, Dado?’’

“Oo nga. Hindi ako binuking na sinisilipan kita sa silong.’’

“Kasi’y lagi kang bumibili ng daing at tocino sa kanya, he-he-he!’’

(BUKAS, ABANGAN ANG ISA PANG KAPANA-PANABIK NA NOBELA. HUWAG BIBITIW!)

vuukle comment

GAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with