^

True Confessions

Alupihan (108)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Lumabas na si Hani sa room ni Gretchen. Habang patungo sa room niya ay nagtataka siya kung bakit pupuntahan ni Gretchen. Baka may nakalimutang sabihin sa kanya o baka magpapa­salamat pa dahil binigyan niya ng regalo. Baka nga. Nasarapan kasi sa suman na binigay niya.

Pero kanina, kinabahan siya nang akmang hahalikan ni Gretchen sa labi. Hindi siya handa sa ganoon – hahalikan ng kapwa babae. Talagang gagawin ni Gretchen ang pag­halik dahil iyon daw ang paraan niya para mag­­pa­salamat. Ibang klase rin si Gretchen.

Kung hindi dumating si Diana ay baka nahalikan na nga siya ni Gretchen kanina. Kapag nagka­taon, babae ang unang makakahalik sa kanya, ha-ha-ha! Totoo nga kayang sa labi siya hahalikan ni Gretchen? Baka naman ginu-good time lang siya ni Gretchen. Ka-babaing tao ay manghahalik ng kapwa babae.

Sabagay, ganito na ang kaisipan ng mga kababaehan ngayon. Wala nang pakiyeme-kiyeme pa. Gagawin kung ano ang sinabi. Sa tingin niya ay game na game si Gretchen.

Naisip ni Hani, kung si Gretchen ang pupunta sa kanya rito sa room, magiging madali niyang malalaman kung ano ang balak nila kay Kuya Cris.

Kapag naging kaibigan na niya ang da­lawa, ang mga ito na ang kusang magta­tapat ng kanilang balak kay Kuya Cris.

Hindi na niya kailangang mag-imbestiga pa. Hahayaan niya ang dalawa na magsiwalat ng lihim.

Hihintayin niya si Gretchen.

Nasasabik siya kung ano ang sasabihin nito sa kanya.

Kapag mayroon na siyang nalaman sa dalawa, sasabihin agad niya iyon kay Kuya Cris.

Tiyak na naghihintay na ng bagong balita si Kuya Cris. Gusto nitong malaman kung ano ang balak sa kanya ng dalawa.

Kinagabihan, hindi na ini-lock ni Hani ang pinto ng kuwarto niya. Baka biglang dumating si Gretch.

Kutob niya, ngayong gabi pupunta si Gretchen.

(Itutuloy)

vuukle comment

GRETCHEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with