^

True Confessions

Alupihan (53)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

Pabalik-balik sa isipan ni Cris ang nasaksihan sa Room No. 3. Hindi niya makalimutan. Maliwanag na maliwanag sa imahinasyon niya ang dalawang anino ng babae sa kama na may ginagawang “milagro”.

Kinagabihan, habang nasa higaan, ay iyon pa rin ang naglalaro sa kanyang imahinasyon.

Pilit niyang iwaksi pero nagpipilit pa rin at nagsusumiksik. Pati ang pag-ungol ni Diana ay umuukilkil sa taynga niya.

Hanggang sa maitanong ni Cris sa sarili, gaano na kaya katagal ang relasyon ng dalawa?

Siya na rin ang sumagot sa tanong niya.

Hindi pa siguro nagtatagal ang relasyon ng dalawa. Baka bagu-bago lang. At naisip uli ni Cris, hindi kaya magkasama sa gabi ang dalawa. Baka sa kuwarto ni Diana natutulog si Gretchen o si Diana ang nagtutungo sa room ni Gretchen.

Hanggang sa dalawin ng antok si Cris na ang anino ng dalawang babae sa kama ang nasa isip.

Kinabukasan, maagang naglampaso muli si Cris sa koridor sa second floor.

Kahapon ay hind niya napagbuti ang paglilinis dahil naabala siya ng napanood na “live show’’. Pinagbuti na niya ang paglalampaso. Alam niya na nasa kanya-kanya pang room ang boarders.

Maya-maya pa, nakita na niya ang paglabas ni Diana sa Room No. 3. Papasok na ito sa school.

Nakangiti ito sa kanya. Sa tingin ni Cris, fresh na fresh si Diana.

‘‘Hi Kuya! Nakita mo ba ang alupihan sa kutson?’’

Nagulat si Cris sa tanong.

‘‘A e hindi. Nakatakas na siguro.’’

“Si Kuya talaga natatakasan na. Mahina ka na siguro Kuya, ha-ha-ha!”

Nanliliit si Cris sa sinabi ni Diana.

Hanggang sa dumaan sa harap niya si Diana.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with