^

True Confessions

Alipihan (46)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“Akala ko hindi ka na babalik Kuya,’’ sabi ni Diana na naka-panty pa rin pero may suot ng shirt. “Pupuntahan na sana kita sa opis mo.’’

Hindi makatingin nang deretso si Cris kay Diana. Pero sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niya ang nakalantad na alindog ng dalaga. Nagmumura ang “harapan” nito. Parang nakabuyangyang na paninda. Malakas ang kutob niya na talagang balak siyang akitin ni Diana. Gusto siyang “makalaro” ni Diana na sa pagkakaalam niya ay 19-anyos lamang at nasa ikatlong taon sa kolehiyo.

Napalunok ng laway si Cris habang isinusukat ang bagong kutson sa kama ni Diana. Habang ginagawa ang pag-aakma ng kutson ay kung anu-ano ang pumapasok sa isipan niya.

Kung patulan kaya niya si Diana?

Hindi naman niya pupuwersahin.

Pagbibigyan niya ang gusto nito. Baka kasi isipin ni Diana na bading siya at wala man lang reaksiyon sa pinakikitang alindog. Baka akalain ni Diana na nalipasan na siya ng bogli.

Kung pagbibigyan niya ito, sandali lamang at tapos na. Solb na. Baka wala pang ten minutes ay tapos na sila.

Nanunuyo ang laway niya.

Nakikiramdam siya kay Diana.

Kapag lumapit ito sa likuran niya, baka hindi na siya makapagpigil at silain na niya.

Nakini-kinita ni Cris na parang sisiw si Diana na dinagit ng agila.

Naramdaman niyang humakbang si Diana.

Sige, hakbang pa.

Pero bago mangyari iyon, biglang dumungaw sa pinto si Gretchen, ang boarder sa Room No. 4.

“Hoy Diana, parang init na init ka ah! Naka-panty ka pa!’’

“Oo nga eh!’’ sagot ni Diana na nakangiti.

“Anyare, Diana?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ALUPIHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with