^

True Confessions

Ahas sa garden (420)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PARANG ang bilis naman yata, Love. Kasalan na agad, he-he-he!’’ Sabi ni Nicole habang magkatabi silang nakaupo ni Alexis sa konkretong upuan na nasa park sa loob ng isang sikat na mall.

“Ganyan talaga akong magplano. Ka­pag love na love ko ang babae gusto ko kasalan na agad. Mahirap nang mauna­han ako ng iba. Ang ganda-ganda mo yata,’’ sabi ni Alexis sa masayang boses.

‘‘Sino naman ang makakauna sa’yo e halos magkasama na nga tayo araw-araw. Kasal na nga lang ang kulang para tawagin tayong mag-asawa.’’

‘‘Sigurista ako. Kapag mahal ko ang babae ayaw ko nang hiwalayan pa.’’

“Sige na nga ikaw na ang masusunod sa lahat, ha-ha-ha!’’

“Basta tapos na ang plano ko, pagka-gra­duate mo, kasalan na agad.’’

“Ano ang balak mo sa kasal natin, malakihang handaan?’’

“Oo. Pero kung gusto mo ay simple lang e ‘di ikaw ang masusunod. Basta ang mahalaga ay may basbas ng pari.’’

“Simple na lang, Love. Mas maganda kung ikakasal tayo sa simbahan pero ang handaan natin ay sa farm gawin. Huwag na sa magarbong hotel o resort para makadalo ang mga trabahador.’’

“Good idea! Sige para masaya.’’

“Sino nga pala ang maghahatid sa akin sa altar e wala na akong mga magulang. May isa akong pinsan pero hindi ko na alam kung saan siya nakatira.’’

“Madali na ‘yun, Ni­cole. Marami ka namang kaibigan sa farm ‘di ba? Pumili ka nang malapit sa iyong puso at siya ang pag­hatirin mo ’’

‘‘Oo nga.’’

Meron pang sina­bing mahalaga si Alexis na hindi inaasahan ni Nicole.

‘‘Kapag mag-asawa na tayo, ikaw na ang magiging manager ng negosyo natin. Si­gurado akong mahusay kang manager. Naniniwala akong uun­lad pa ang ating business.’’

“Pinaligaya mo ako Alexis – walang kasing­ligaya!’’

“Ako rin – walang kasingsaya! (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with