^

True Confessions

Ahas sa garden (401)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

WALANG gatol na inulit ni Alexis ang sinabi kay Nicole.

“Mahal kita, Nicole. Huwag ka sanang ma­ga­galit.’’

Hindi naman ma­ka­pagsalita si Nicole. Nagulat siya pero bakit masaya siya. Ang sinabi ni Alexis ay parang musika sa kanyang pandinig. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya nakarinig ng ganito kasa­yang pananalita. Mahal siya ni Mang Alexis!

“Galit ka ba, Nicole? Sorry ha, hindi ko napigil. Talaga lang na mahal na mahal kita. Huwag mo sanang isipin na sinasamantala ko ang pagkakataon dahil marami akong nagawang tulong sa’yo. Huwag mo sanang isipin na ganun.’’

Tumingin nang tuwid si Nicole kay Alexis. Pagkatapos ay ngumiti nang napakatamis.

Napamaang si Alexis.

“Hindi ka galit, Nicole?’’

“Mayroon bang galit na nakangiti?’’

“Ibig mong sabihin, mahal mo rin ako?’’

“Aba wala akong sinasabi, he-he-he!’’

“E bakit ka nakangiti? ‘Di ba ibig sabihin nun e mahal mo rin ako?’’

Hindi sumagot si Nicole.

Nakangiti lang kay Alexis.

“Ano Nicole? Galit ka ba o mahal mo rin ako?’’

“Ano sa palagay mo?’’
“Palagay ko, mahal mo rin ako.’’

Sa halip na sumagot, tumango lang si Nicole.

At sa puntong iyon, biglang napatayo si Ale­xis at napalukso.

“Yes! Sabi ko na at mahal mo rin ako!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with