^

True Confessions

Ahas sa garden (399)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NABIGLA si Nicole sa big­lang pagkakasagot ng “opo” sa sinabi ni Alexis na kung puwedeng bumalik sa Linggo. Para bang wala siyang ka­tutol-tutol.

Pero ano pa ba ang magagawa niya kung gustong bumalik ni Sir Alexis? Makakatanggi ba siya? At wala namang masama kung bumalik ito? Wala na­man silang ginagawang masama. Nagkukuwentuhan lang naman sila. Masayang-masaya nga ang pagkukuwentuhan nila ni Mang Alexis.

Sarap na sarap si Mang Alexis sa niluto niyang ginataang bilu-bilo. Napa­ngiti si Nicole nang maalala ang masarap na pagkain ni Alexis sa nilutong mer­yenda. Tamang-tama naman na iyon ang niluto niya eksakto sa biglaang pagdalaw ni Alexis. Nagkataon lang kaya ang pagkakaluto niya ng bilo-bilo?

Kinabukasan, nang nagkukuwentuhan sila ni Nina habang nagha-harvest ng talong, hindi siya nakatiis at ikinuwento rito ang biglaang pagdalaw ni Alexis.

Gulat na gulat si Nina.

“Sabi ko na nga ba! Sabi ko na at mayroong pagtingin sa’yo si Alexis!’’

“Hoy wala! Nakipagku­wentuhan lang siya.’’

“Siyempre ‘yun ang sasabihin niya. Saan ba nagsisimula ang lahat kundi sa pakikipagkuwentuhan?’’

“Talagang nagkuwentuhan­ lang kami. Tapos, pinakain ko siya ng ginataang bilo-bilo. Sarap na sarap siya!’’

“Diyan nag-uumpisa ang lahat, Nicole. Maniwala ka sa akin.’’

“Sobra ka naman, Nina.’’

“Alam mo ang kutob ko, babalik siya sa Linggo at mayroon siyang dala para sa’yo.’’

“Puro ka kalokohan, Nina.’’

Ipapuputol ko ang buhok ko kapag nagkamali ang kutob ko.’’

LINGGO ng hapon, dumating si Alexis.

Mayroon itong dalang tatlong sariwang roses na nasa box.

“Para sa’yo Nicole.’’

Hindi makapaniwala si Nicole.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with