^

True Confessions

Ahas sa Garden (362)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

BUMALING si Nicole makaraang marinig ang sinabi ni Alexis na bibigyan ito ng trabaho.

“Totoo po Mang Alexis?’’

“Halika, pumasok ka uli rito.’’

Ibinukas ni Alexis ang gate.

Pumasok si Nicole na ang pagkakangiti ay kasasalaminan ng panibagong pag-asa sa buhay. Nagkakulay ang mundo.

Pumasok sila sa bahay.

“Maupo ka Nicole.”

Naupo si Nicole. Naupo rin si Alexis.

“Bibigyan kita ng trabaho sa vegetable farm ko. Kaya mo bang mamuti o mag-harvest ng gulay?’’

“Kayang-kaya ko Mang Alexis. Mas madali po yan kaysa magpaalila ako sa among manyakis.’’

“Kaya mong ma-muti ng sitaw, talong at calumismis?”

“Kaya ko po Mang Alexis!’’

“Kaya mong mag-hukay ng camote o kaya ang balinghoy?’’

“Kakayanin ko po. Lahat po ay kakayanin ko basta huwag na lang ako mabalik sa pagpapaalila.’’

“Okey, sa isang linggo ay bibiyahe tayo sa probinsiya. Pansamantala e dito ka na muna sa bahay. Marami pa kasi akong dadaluhang seminar.’’

“Sige po Mang Alexis ako po muna ang maid mo. Masarap din naman akong mag­luto, marunong mag­laba at maglinis ng bahay.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ALEXIS

NICOLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with