^

True Confessions

Ahas sa Garden (84)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGTAKA si Manang nang dumungaw sa bintana sapagkat wala na sina Alexis at Brenda sa swimming pool. Saan nagpunta ang mga ‘yun? Nagkandahaba ang kanyang leeg sa pagsilip sa bintana subalit wala siyang makita. Baka naman lumipat sa ibang shade ang dalawa. Mayroon pang isang puno ng mangga sa may gilid na hindi abot ng tingin mula sa bintana na kanyang kinadudungawan.

Hindi naman siya maaaring lumabas para tingnan at baka maghinala si Brenda na naninilip siya. Baka pagalitan pa siya ng malanding babae.

Kung anu-ano ang naglaro sa imahinasyon ni Manang. Hindi kaya “nagtitikiman” na ang dalawa? Hindi kaya umakyat na sa kuwarto sa itaas ang da­lawa at nagpapasasa na sa kamunduhan? O baka naman nasa ilalim ng tubig?

Sinipat niyang ma­buti ang kabuuan ng swimming pool. Wala naman. Malinaw na malinaw ang tubig sa pool kaya makikita niya kung mayroong gumagawa ng milagro sa ilalim ng tubig.

Malamang ay nasa kuwarto sa itaas ang dalawa. Wala nang ibang pupuntahan ang mga ito kundi roon.

Naisipan niyang ta­wagan muli si Sir Nath. Bakasakaling sa­gutin na siya.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with