^

True Confessions

Ahas sa Garden(76)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KAKAIBA ang naisip ni Manang para makaganti kay Brenda. Balak niyang lagyan ng ahas ang swimming pool. Hindi naman totoong ahas ang ilalagay niya kundi yung laruang plastic na ahas. Maraming nabibili nun sa Divisoria na akala mo ay totoong ahas. Ha-ha-ha!

Ipinagpatuloy ni Ma­nang ang pagsagap ng mga dahon sa pool. Ma­raming dahon ng mangga ang nalalaglag. Kasasa­gap lamang niya ay mayroon na namang nalag­lag. Kakainis!

Nang biglang magulat siya nang sumigaw na naman si Brenda mula sa bintana.

“Ano Manang, tapos na ba ‘yan? Maliligo na ako!’’

“Sandali na lang po!’’

“Bilisan mo at aabutin ako ng init. Masakit sa balat ang init kapag alas nuwebe!’’

“Opo!’’

Binilisan ni Manang ang pagsagap sa mga dahon. Napupuno na talaga siya sa malanding babaing ito. Kung makapag-utos ay akala mo kung sinong reyna. Dapat na ngang mapalayas ang malanding ito.

Tatawagan uli niya ang anak ni Sir Nath at magsusumbong. Sasabihin niya na pati ang gardener ay kinakalantare nito. Sasabihin niyang “ubod ng kati” ang babae at pati gardener ay gustong matikman.

“Ano Manang, tapos na ba yan?’’ sigaw muli ni Brenda.

“Tapos na po!’’

“Bababa na ako riyan!’’

Bumulong na lang si Manang sa sobrang inis. Madapa ka sana sa hagdan!

HINDI makatulog si Alexis isang gabi.

Iniisip pa rin niya kung bakit siya tinawag ni Mam Brenda. Totoo ka­yang may iuutos ito sa kanya.

O baka naman totoo ang sinabi ni Manang na gusto siyang “matikman” ni Brenda. Nakasuot daw nang manipis si Brenda at wala nang underwear.

At saka bakit tinuunan nito ang “umbok” sa harapan niya nang magtungo rito? Napahi­nga siya nang ma­lalim. Baka nga gusto siyang matikman.

(Itutuloy)

vuukle comment

AHAS SA GARDEN(76)

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with