^

True Confessions

Ahas sa Garden (44)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NANG makaahon na sa swimming pool at nakapasok na sa mansion sina Sir Nath at Brenda saka lamang dahan-dahang lumabas sa pinagku­kublihan si Alexis. Ingat na ingat siya at baka makita ni Sir Nath. Nakakahiya kung malalaman nito na nam­boboso siya.

Pero wala naman siyang intensiyon na mamboso. Nagkataon­ lang na naabot siya roon nang magsi­mulang maligo ang dalawa. Hindi na siya makaalis at makalabas sa pinagkukublihan.

Pero kahit matagal nang nakapasok sa loob sina Sir Nath at Brenda, hindi pa rin mawala sa isipan ni Alexis ang nakita kanina. Sa swimming pool nagtalik ang da­lawa! Kitang-kita niya dahil napakalinaw ng tubig. Puwede pala yun! Nangyayari pala talaga yun!

Napailing-iling si Ale­xis pagkatapos.

Ibang klase talaga si Sir Nath. May edad na pero matulis pa rin!

Makaraan iyon, si­nimulan na ni Alexis na linisin ang pool. Ka­ilangan ay laging malinis sapagkat tiyak na gagamitin lagi ng dalawa. Magagalit sa kanya si Sir Nath kapag nakitang hindi malinis ang pool.

Kinabukasan, ma­aga siyang gumi­sing para linisin muli ang pool. May nakita siyang mga dahon. Sina­gap niya ang mga ito. Kailangan bago magising sina Sir Nath ay malinis na ito. Gagamitin muli ito ngayon.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with