^

True Confessions

Ahas sa Garden (40)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“BUKAS ng umaga, ban­tayan mong mabuti ang pool at baka may malag­lag na mga dahon. Ka­ilangan ay malinis na malinis bago kami maligo ni Babe. Mga alas otso kami maliligo,” sabi ni Sir Nath.

“Opo Sir. Maaga po akong gigising para bantayan. Paggising po ninyo ay malinis na malinis na ‘yan.’’

“Good! Maaasahan ka talaga, Alexis. Hayaan mo at dadagdagan kita ng suweldo dahil sa pag-aalaga sa pool.’’

“Salamat Sir Nath.’’

“Siyanga pala Alexis­, siguruhin mo rin na wala na ‘yung ahas na nakita natin. Baka biglang sumulpot habang narito kami ni Babe.’’

“Palagay ko po ay nakalabas na ng bakuran ang ahas. Nabulabog na po simula nang hukayin ang pagtatayuan ng swimming pool.’’

“Makabubuti kung ha­napin mo pa rin kung may time ka. Kapag nakita mo, patayin mo na.’’

“Di po ba bawal pumatay ng ahas?’’

“Bawal kapag may nakakita. Siyempre huwag mong ipakikita sa iba. Kung hindi mo papatayin baka tayo naman ang kagatin nun.’’

“Hindi naman po makamandag ang ahas na ‘yun. Tulug-tulugin po yun.’’

“Kahit na. Patayin mo na kapag nakita mo. Isa pa, talagang takot si Babe sa ahas. Baka himatayin yun kapag nakita ang ahas.’’

“Sige po.’’

Aalis na si Sir Nath nang may itanong si Alexis.

“Saan ko nga po pala ilalagay ang mga sobrang orchids. Punumpuno na po sa sulok na yun.’’

“Itapon mo na lang! Pasikip lang dito yun!’’

“Opo Sir!’’

KINABUKASAN, dakong alas otso ng umaga, bumaba na sina Nath at Brenda para maligo. Naka-two piece swimsuit si Brenda. Nakakubli si Alexis sa di-kalayuan.

(Itutuloy) 

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with