^

True Confessions

Sadiq (91)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“PERO bago natin simulan ang negosyong ito, gusto kong dumalo sa seminar. Maraming libreng seminar para sa mga nag­nanais magnegosyo. Marami akong mapupulot na tips sa mga seminar,” sabi ni Sadiq kay Gina.

“Tama ang naisip mo, Daddy. Meron akong ka­­­sa­­mahan dati sa trabaho na ganyan din ang ginawa­. Nag-attend siya ng mga seminar at mga training sa papasuking ne­gosyo­ at alam mo, ang huli kong balita, mayaman na siya. Nasa isang resort ang kanyang business. Mabentang-mabenta­ sa tourist.’’

“Wow, tama pala ang naiisip ko.’’

“Oo, mahalaga na bago pumasok sa anumang ne­gosyo ay mayroong ka­­ala­man. Kaya marami ang nabibigo o bumabagsak ang negosyo ay dahil wa­lang kaalaman sa pinasok. Merong gaya-gaya lang.’’

“Palagay ko, magtata­gumpay tayo sa naisip kong negosyo.’’

“Basta pinag-aaralang mabuti at may magandang plano at saka nasa puso ang pinasok na negosyo, magtatagumpay.’’

“Next week, dadalo na ako sa mga seminar. Meron na akong alam at libre lang. Kaya lang….’’

“Kaya lang ay ano, Daddy?’’

“Sino ang sasama sa chemo therapy mo. Hindi kita hahayaang mag-isa.’’

“O e di ibang araw na lang ang chemo session, puwede naman yun di ba? O mas mabuti e itanong natin kay Dok.’’

“Okey sige.’’

“Makakapag-adjust naman ang gamutan sa akin kaya huwag mong problemahin yun.’’

Ganun nga ang ginawa nila kaya nakadalo sa libreng seminar si Sadiq. Marami siyang nalaman ukol sa balak na negosyo.

Ilan pang seminar ang kanyang nadaluhan na lalo pang nagdagdag sa kanyang kaalaman.

Sapat na iyon para ituloy ang negosyo.

Makalipas ang isang buwan, ipinagawa na niya ang food stall sa isang pinto­ ng kanilang paupa­hang apartment.

Habang ginagawa, ma­rami siyang magandang iniisip sa nalalapit na negosyo.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with