Sa Piling ng Kalapati (140)
KUMAIN din si Joshua makaraan ang mga matatalinhagang pahayag kay Ruth. Sa totoo lang nagtataka siya sa mga kinikilos ni Joshua.
Nahalata ni Joshua na nakatingin si Ruth habang siya ay kumakain.
‘‘Pasensiya ka na Ruth, mabagal akong kumain.’’
“Okey lang. Akala ko nga hindi ka kakain.’’
“Puwede paglabas natin dito dun naman ta-yo sa park ng isang mall na katapat nitong hotel.’’
“Baka gabihin tayo.’’
“Sandali lang tayo. Puwede?’’
‘‘Sure.’’
‘‘Thanks.’’
Tinapos ni Joshua ang pagkain.
‘‘Ba’t ang bilis mo naman? Marami pang pagkain.’’
‘‘Okey na ako, Ruth.’’
Pagkaraan ay sinenyasan nito ang waiter para mag-bill out.
Ilang minuto lang at dumating na ang bill. Binayaran ni Joshua.
“Halika na, Ruth.’’
Lumabas sila.
Tinungo ang katapat na malaking mall.
Natanaw nila sa pagpasok ang parke. Maraming upuan.
Habang naglalakad sila patungo sa parke. Nag-iisip si Ruth. Nagtataka siya kung bakit marami pang pasakalye si Josh. Bakit hindi pa siya deretsahin.
“Dun tayo Ruth. Sandali lang tayo rito. May sasabihin lang ako sa’yo.’’
Tinungo nila ang bakanteng bench.
Naupo sila.
Hindi pa sila nagtatagal sa pagkakaupo, sinabi na ni Joshua ang kanina pa nagpapahirap sa kanya. Deretsahan na.
‘‘Gusto kita Ruth. Mahal kita!’’
Shock ang beauty ni Ruth! (Itutuloy)
- Latest