^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati(101)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KEIKO NAHASHIWA. Iyon ang nakita ni Ruth nang mag-search siya. Ilang ulit niyang binuksan ang FB account. Gusto niyang makasi­guro. Naka-base na sa Canada ang may-ari ng account. Binasa niya ang profile. Parang ito na nga ang hinahanap nila ni Mommy Donna. Pero may pagdududa pa rin. Pero nang tinititigan niya ang picture ni Keiko Nahashiwa, hawig kay Mommy Donna ang lips nito. Matangos ang maliit na ilong. Katamtaman ang singkit ng mga mata. Katamtaman din ang kapal ng mga kilay. Sa kabuuan, maganda si Keiko. Pero siya na nga kaya ito?

Maraming Keiko Nahashiwa ang na-search niya at ito lamang ang tila tumutugma sa mga binigay na palatandaan ni Mommy Donna. Pero parang hindi pa rin siya kumbinsido.

Naisip ni Ruth, mas maganda kung si Mommy Donna ang makakakita sa larawan ni Keiko Nahashiwa. Kung ito talaga ang anak niya, siya lamang ang makakadama. Naaalala niya ang laging sinasabi na “lukso ng dugo”.

Pero bakit kaya naka-base na ito sa Canada?

Excited siya nang umuwi ng gabing iyon. Maaaring matuwa si Mommy Donna.

Pero siya pala ang magugulat sa sasabihin ni Mommy Donna.

“Buhay nga si Keiko, Ruth. Buhay siya!” sabi nito nang ma­kapasok siya sa condo.

(Itutuloy)

vuukle comment

SA PILING NG KALAPATI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with