^

True Confessions

Damo sa Pilapil (20)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

“BAKIT po wala akong nakikitang naka-displey na picture ng asawa at anak ni Mam Dulce sa salas, Manang Cion?’’ Tanong ni Zac.

“Pinatanggal niya sa akin. Lalo raw hu­mahapdi ang kalooban niya kapag nakikita ang picture ng asawa at anak. Dati may malaki silang picture diyan sa dingding, ipinaalis sa akin.’’

“Kawawa naman po pala si Mam.’’

“Oo. Kaya nga ang hula ko kaya siya la­ging wala ay para malimutan ang mga nangyari. Kung laging narito sa bahay ay baka lalong malungkot.’’

“Manang huwag mo nang masasabi kay Mam na nagtanong ako. Nakakahiya dahil personal na iyon.’’

“Wala namang masama dun, Zac.’’

“Kahit na po, Ma­nang. Siyempre baka isi­pin na lihim pala akong nagtatanong ukol sa personal niyang buhay.’’

“Sige.’’

“Kaya nga po nahihiya rin ako kung magsasabi sa kanya sa balak kong paghanap ng matitirahan.’’

“Bakit, pinaaalis ka?’’

“Hindi naman po Ma­nang.’’

“O e bakit ka hahanap ng matitirahan.’’

“Kakahiya na po e. Nasabi ko na po sa kanya yan nun pero sabi saka na raw problemahin.’’

“’Yun naman pala. Huwag ka nang lumipat dahil kailangan ang tao rito.’’

Hindi nagsalita si Zac.

“Palagay ko hindi ka papayagan,’’ sabi pa ni Manang.

 

ISANG umaga, nagulat si Zac nang ka­usapin ni Mam Dulce.

“Zac,  sabi ni Manang Cion balak mo raw humanap ng tirahan.’’

Napakamot sa ulo si Zac.

“Nahihiya na po kasi ako sa’yo Mam.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

DAMO SA PILAPIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with