^

True Confessions

Black Widow (4)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

BINALIKAN ni Marie ang pinag-usapan nila ni Jam habang kumakain sa can­teen. Sino raw ang susunod kay Mark? Si Mark ang ikatlo niyang asawa na kamamatay lang.

Hindi siya makasagot kay Jam. Hindi siya ma­ka­pagsalita ng tapos. Pa­ano kung may lalaki na namang magpatibok ng kan­yang puso? Tao lamang siya. At gaya ng sabi ni Jam, bata pa naman siya. Kuwarenta’y singko anyos na siya. At sabi nga ni Jam, may asim pa. Marami nga raw lalaki sa departamento nila ang nalalaglag ang brief sa kanya.

Pero tinatanong din naman ni Marie ang sarili, mayroon pa nga kayang magkagusto sa kanya ka­­pag nalaman na tatlo na ang namamatay makaraang mapangasawa siya. Tiyak na kakalat ang ba­litang iyon at maaaring ma­takot ang sinumang la­laki na ligawan siya. Sino ba naman ang gugusto sa babaing laging namamatayan ng asawa? At ang nakakapangilabot pa, tu­wing ika-10 taon nangyayari ang pagkamatay ng lalaki. Parang mahirap isipin na nakatakda na ang pagkawala ng lalaki sa sandaling makarelasyon siya.

Napahinga nang malalim si Marie.

Ang pinakamagandang magagawa para maputol na ang pag­kamatay ng kan­­yang ma­ka­kapartner ay huwag siyang mag-asawa. Mag­tiis na lang siya. Tutal naman at nakatatlo na siya at mayroon namang anak. Kung hindi siya magsasakripisyo, kawawa naman ang anak ni Adan na makakarelasyon niya. Parang inihulog niya sa hukay.

Pero muli, naisip ni Marie na mahirap magsabi ng tapos. Paano kung umibig muli siya. Madali siyang umibig. Mabola lamang siya ng lalaki ay bumibigay siya.

Nakatulugan ni Marie ang pag-iisip kung bakit lagi siyang nabibiyuda.

KINABUKASAN, maaga siyang gumising. Mag­luluto siya ng almusal at aayusin ang isusuot ng kanyang anak na si Pau sa pagpasok sa school. Nasa Grade 4 si Pau. Da­da­anan ito ng service bus dakong alas siyete. Wala pa siyang maid kaya siya ang gumagawa ng lahat.

Pagkatapos madaa-nan si Pau ng service bus, ay saka siya maghahanda sa pagpasok sa office.

Habang nagbibihis ay naalala niya si Mark. Kapag papasok sa trabaho ay lagi silang nagsasabay. Ihahatid siya ni Mark sa opisina.

Nalungkot si Marie. Pinagmasdan niya ang picture ni Mark na naka-sabit sa dingding. Guwapo si Mark.

Hanggang maitanong sa sarili kung mayroon pa kayang susunod kay Mark?

(Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ADAN

ANG

GUWAPO

MARK

NASA GRADE

PERO

SHY

SI MARK

SINO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with