^

True Confessions

Halimuyak ni Aya (386)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

ILANG shot ang ginawa ni Sam para may pagpilian si George. Ipapasa niya ang mga iyon kay George.

Nang magtungo si Aya sa kitchen, palihim sinabi ni Sam na nakunan na niya ang mga ito.

“Nakunan ko na kayo George. Siguro naman maniniwala na si Julia kapag nakita ang mga ito.’’

“Tiyak yun Sam. Sala­mat at pinagbigyan mo ako. Matutupad din ang plano ko.’’

“Ipapasa ko ang mga ito sa’yo. Kailangan mo balak ipakita kay Julia?’’

“Sabi niya kahit daw sa isang linggo. Pero siguro ibibigay ko na sa kanya bukas. Hindi ko na pagta­tagalin. Para masingil ko na ang ‘bayad’. Malay mo, magbayad na.’’

“Paano kung hindi?’’

“Bahala siya. Pero hindi ko pipilitin. Kapag tumanggi, o hindi tumupad ako naman ang magbabanta sa kan-ya. Sasabihin ko, ibubuking ko ang kanyang plano sa iyo.’’

‘‘Paano kung maunahan ka niya sa pagsasabi sa akin. Di ba, kapag nakuha niya ang picture, ipakikita niya sa akin para magalit ako kay Aya at masira ang relasyon namin.’’

‘‘Kahit na maibigay niya sa iyo ang mga ebidensiya, puwede ko pa rin siyang takutin o i-blackmail. Sasabihin ko ibibisto ko siya sa iyo.’’

Napatangu-tango si Sam. Puwede nga ang naisip ni George.

‘‘Baka siya pa ang magmakaawa sa akin, Sam. Ano sa palagay mo, Sam?’’

“Aprub. Pero yung usapan natin, na tayo lang dalawa ang makaaalam nito. Hindi na ito dapat malaman ni Aya.’’

“Okey, Sam. Natutuwa ako at hindi masisira ang pag-iibigan ninyo ni Aya.

Natigil ang usapan nila ng dumating si Aya. May dalang meryenda. Nagpatuloy ang kanilang pagkukuwentuhan. Hindi nahahalata ni Aya sina Sam at George.

Hatinggabi na ng umuwi si George.

 

KINABUKASAN, tina­wagan niya si Julia at sinabing dadalhin niya ang ebidensiyang lara-wan nila ni Aya.

“Sige, George hihintayin kita. What time ka pupunta?’’

“Mga six o seven p.m.’’

“Sige hihintayin kita.’’

Kinagabihan, nagtu-ngo nga si George sa condo ni Julia.

“Eto na Jules ang mga kuha namin ni Aya…’’

‘‘Patingin!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

AYA

GEORGE

IPAPASA

JULIA

NIYA

PERO

SAM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with