^

True Confessions

May Isang Pangit (70)

- Ronnie M. Halos -

NAPAKABUTI ni Alice. Ito pa ang nagpaalala kay Tibur na huwag kalimutan ang nag-iisang tiyahin sa Pilipinas. Buhusan daw ng tulong ang mga ito. Huwag daw kalilimutan ang mga nagawang tulong ng mga ito noong panahon na siya’y inaapi-api at kinakawawa sa nilakihang bukid.

Natuloy ang pag-uwi ni Tibur nang sumunod na taon pero hindi nakasama si Alice sapagkat ito na ang naging chief operating officer ng strawberry jam products. Lumawak na ang negosyo kaya hindi puwedeng iwan. Pero nangako si Alice na susunod nilang holidays ay kasama na siya at ang dalawang anak. Sabi ni Alice, mabuti na nga raw na si Tibur na lang muna ang umuwi para masorpresa nang todo ang tiyahin nito.

Nang nasa Pinas   na, hindi nga makapa­niwala si Tornado (anak ni Tiya Encar, Tiyo Nado) nang biglang sumulpot si Tibur. Nag-aaral ng lesson si Tornado nang biglang lumitaw si Tibur. Gulat na gulat si Tornado nang makita si Kuya Tibur niya.

Nang dumating si Tiya Encar, ay hindi ito makapaniwala sapagkat pagkaraan nang maraming taon ay muli nilang nakita ang pamangkin. Mahigpit niyang niyakap si Tibur at saka napaiyak. Bakit hindi man lamang daw ito sumulat. Akala nga raw nila ay kung ano na ang nangyari rito. Gulat na gulat si Tiya Encar nang malamang nangibang bansa pala si Tibur.

‘‘Mukhang mayaman na mayaman ka na Tibur. Ang bango mo kasi,” sabi pa ni Tiya Encar.

‘‘Hindi na amoy kalabaw Tiya Encar?’’

‘‘Hindi na. Amoy dollar na, he-he-he.’’

Nang dumating si Tiyo Nado ay gulat na gulat din ito nang ma-kita si Tibur. Nagma- no si Tibur kay Tiyo Nado.

“Kumakain ka pa ba ng sinugno, Tibur?’’

“Oo naman, Tiyo Nado.’’

“Kasi’y baka nasanay ka na sa beef. Ang sarap daw ng beef sa Australia. Totoo ba Tibur.’’

“Masarap pero maanggo, Tiyo Nado. Mas masarap ilaga ang beef dito sa atin.’’

Hanggang sa ilatag ni Tibur ang kanyang gagawing pagtulong kina Tiya Encar. Siya na ang magpapaaral kay Tornado. Bibigyan niya ng pangnegosyo si Tiya Encar at kung anu-ano pang tulong.

Napaiyak na si Tiya Encar.

“Huwag kang umi­yak, Tiya Encar dahil marami pa akong    sorpresa.’’

(Itutuloy) 

vuukle comment

ENCAR

GULAT

NANG

TIBUR

TIYA

TIYA ENCAR

TIYO NADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with