^

True Confessions

Thelma (146)

- Ronnie M. Halos -

NAALIS ang blusa. Natambad ang makinis na katawan. Bahagyang tinakpan ni Thelma ng braso ang bahaging dibdib na natatakpan ng bra. Pero maski ang tabing na bra ay hindi pina­lampas ni Trevor Buenviaje. Kung noon ay si Thelma ang naging mapangahas, ngayon ay hindi na. Siya ang magiging marahas at makapangyarihan. Ipakikita niya kay Thelma­ na iba noon kaysa ngayon. Ngayon ay mas marami na siyang nalalaman. Siksik na siya sa karanasan. At ang mga natutuhan sa karanasan ang iaaplay niya.

Naalis ang tabing na bra kahit na nakaharang ang mga braso ni Thelma­. At napagmasdan ni Trevor ang malulusog na tinabingan ng bra. Maganda pa rin sa kabila na may edad na si Thelma­. Hindi pa rin gaanong nasalanta sa kabila na dalawang lalaki na ang nakaulayaw. Sabagay, ayon na rin kay Thelma­, maikli lamang ang pagsasama nila ni Caloy. At isa pa ay maysakit nga si Caloy kaya hindi rin ganap na napagsawaan ang katawan. 

Nang ang pang-ibaba na ang aalisin ni Trevor, may ipinakiusap si Thelma­. Halos pabulong lang.

“Patayin mo ang ilaw. Siguruhin mong sarado ang pinto.”

Sumunod si Trevor. Sinigurong sarado ang pinto. Pinatay ang ilaw at nilamon ng dilim ang kuwarto. Matagal-tagal din bago nasanay ang mga mata nina Trevor at Thelma.

Ipinagpatuloy ni Trevor ang ginagawa. Hanggang sa naalis ang sagabal. Pati ang kahuli-hulihang saplot ay naalis din.

Mabilis din namang nahubad ni Trevor ang kanyang damit. At magkasama na silang dalawa sa kama. Mas lalong nadama ni Trevor ang init ng katawan ni Thelma. O siguro’y mas mainit ang katawan niya kaysa kay Thelma. Nagsasalubong ang init ng katawan nila. At baka maya-maya lamang ay baka matupok sila sa labis na init. Hindi maitatanggi ni Trevor na sabik na sabik sila sa isa’t isa.

Ang isang nasa isipan ni Trevor ay ang sinabi ni Thelma na hindi siya nasisiyahan sa asawang si Delmo kaya nangyari ang pagtatalik nila noon. Ang nasa isip lamang ni Trevor ay ang sarili. Basta makaraos siya ay okey na.

Hindi siya ganoon. Gusto niya malasap ni Thelma ang sarap at dalisay ng kanyang pag-ibig. Ipagkakaloob niya kay Thelma ang init ng kanyang pagmamahal.

“Trevor…Trevor…”

Iyon na ang hudyat para idulot ang wagas na pagmamahal.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAHAGYANG

CALOY

DELMO

HANGGANG

IPAGKAKALOOB

IPAKIKITA

THELMA

TREVOR

TREVOR BUENVIAJE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with