^

True Confessions

Thelma (90)

- Ronnie M. Halos -

AYAW tanggapin ni Judith ang pagso-sorry ni Thelma. Bigla itong lumabas ng banko. Natakot si Thelma na baka magtutungo sa kanilang bahay at isusumbong siya kay Caloy.

Nilapitan si Thelma ng manager ng banko.

“Ano Mam Thelma, matigas talaga yata ang ulo ng babaing iyon. Nagsu-sorrry ka na e ayaw pang tanggapin.”

“Susundan ko na lang. Pasensiya na sa inyo sa mga nagawa namin.”

“No problem, Mam Thelma.”

“Pasensiya na uli ha?”

Saka napansin ni Thelma na hindi pa pala niya naidedeposit ang pera. Idineposit niya iyon at saka mabilis na umalis. Sana maunahan niya si Judith sa kanilang bahay.

Nang dumating siya sa kanilang bahay ay wala si Judith. Hindi ginawa ang banta. Pero hindi pa rin naaapis ang kaba niya.

“Para kang hinahabol ng tikbalang, Thelma. Pati buhok mo gulung-gulo,” sabi ni Caloy na nakahawak kay Trev at humakbang patungo kay Thelma. Mukhang naglalaro ang dalawa nang dumating siya.

“Malakas kasi ang hangin sa labas.”

Nagtawa naman si Ca­loy. Parang walang sense ang sinabi ni Marian.

“Natagalan ka yata sa banko, Thel?”

Pero hindi naririnig ni Thelma ang sinabi ni Caloy. Lumilipad ang isip niya.

“Natagalan ka yata, Thelma sa banko.”

“Maraming tao, Caloy. Inip na inip na nga ang mga depositor.”

“Akala ko may nangyari na sa’yo.”

“Wala! Ano naman ang mangyayari sa akin?”

“Naalala ko lang Thel. Para kasing kinabahan ako kanina.”

Kinabahan si Thelma. Parang may nahahalata si Caloy sa kanya. Kung unahan na kaya niya si Judith sa pagsusumbong?

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO MAM THELMA

CALOY

MAM THELMA

NATAGALAN

PASENSIYA

PERO

THEL

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with