^

True Confessions

Thelma (41)

- Ronnie M. Halos -

“SIGURADONG si Caloy ang kumuha ng panty   mo, Thelma.”

“Iyan din ang hula ko Ate Marie pero nagdududa pa rin ako kung siya nga. Kasi’y mabait naman siya sa akin at wala namang dahilan para niya pag-interesan ang panty ko.”

“Yun din ang akala ko, mabait siya pero kahit anong bait ng lalaki, may libog din yun. At saka sino pa ba ang kukuha ng panty mo e kayo lang namang dalawa ang nasa tindahan. At nakita mo sa drawer niya. Siya lang ang maaaring kumuha niyon. Bakit niya itatago.”

“Pero naiisip ko Ate, baka naman napulot lang niya iyon sa CR. Baka nahulog lang sa sahig ng banyo at nakita.”

“Kung napulot niya, dapat ibinigay niya sa iyo. Bakit niya itinago sa drawer? Akala ko mabait si Caloy yun pala’y mahilig.”

Nag-isip na si Thelma. Pero binibigyang katwiran pa rin si Mang Caloy.

“Baka hindi lang niya na­ibigay dahil ng araw na iyon ay problemado siya sa asawang maysakit. Ilang araw na kasi siyang problemado.”

Nag-isip din naman si Marie. Napatingin nang matiim kay Thelma.

“Madali lang namang ibigay sa’yo ang panty di ba?”

“Ewan ko Ate Marie. Naguguluhan ako.”

“Akala ko pa naman ay mabait ang matandang iyon. Tatahimik-himik e nasa loob pala ang kulo.”

“Ang balak ko e painan ng panty sa banyo. Magsasampay muli ako ng panty at tapos ay huhulihin ko sa akto.”

“Bakit mo pa papainan e nakita mo na nga ang panty sa drawer. Huwag na.”

“Para lang makasiguro ako, Ate.”

“Kung ako sa’yo kukum­prontahin ko na ang matandang iyon. Bahala na kung ano ang mangyari.”

“E kung alisin niya ako sa tindahan.”

“E di umalis ka. Parang siya lang ang may tindahan. Kapag hindi mo siya kinumpronta, baka isang araw ay paghihipuan ka na lang o kaya ay gahasain ka. Ngayon pa na biyudo na iyon baka lalong singgahin ng kalibugan.”

Nag-isip na naman si Thelma.

“Mahirap magtiwala kapag ganyang ninanakaw na ang panty. Kasunod na niyan ay matinding pag­nanasa. E ikaw pa naman madaling pagnasaan. Sexy ka at malaki ang mga suso. Naku aywan ko kung magkamali ang hinala ko na baka kung ano ang gawin sa’yo ni Caloy.”

“Hindi naman siguro Ate. Ang alam ko, yung mahilig magnakaw ng panty ay hindi naman nangre-rape. Sakit lang daw iyon Ate. Fetish ang tawag. Masid­hi na makapagnakaw ng panty para masiyahan ang pagnanasa.”

“Bahala ka, Thelma. Huwag kang iiyak-iyak kapag may nangyari sa iyo. Pinagsabihan na kita.”

(Itutuloy)

vuukle comment

ATE MARIE

BAKIT

CALOY

LANG

NAMAN

NIYA

PANTY

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with