^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (88)

- Ronnie M. Halos -

SA Paco namamalengke sina Fred at Mulong. Madaling araw kung magtungo sila roon. Mula sa H. Santos ay magdi-dyipni lamang sila pa­tungong Paco. Si Mulong ang nagturo sa kanya na sa Paco mamalengke sapagkat mas maraming pagpipilian doon. Dati ay sa Pasong Tirad lang namamalengke si Fred.

“Sanay na sanay ako sa Paco, Kuya dahil noong helper pa ako sa canteen ay diyan kami namamalengke.”

“Bagong katay ang mga manok ano, Mulong?”

“Oo, Kuya. Pati yung karneng baka nila.”

“Mahalaga kasi na la­ging sariwa ang isisilbi sa kustomer. Kailangan ay huwag tayong masira sa ka­nila para hindi tayo iwanan.”

“Totoo yan Kuya.”

Ilang buwan na silang namamalengke sa Paco nang isang madaling araw ay napansin ni Fred ang isang babaing parang kilala niya. Pero gusto niyang ma­katiyak kung ang kan­yang nakita ay si Ganda. Ayaw niyang mapahiya. Namimili rin ng mga karne si Ganda at sa wari ay helper ito ng isang may-edad nang babae. May hawak na papel si Ganda.

“Mulong, huwag kang aalis dito ha. Bantayan mo lang ang ating mga pinamili at meron lang akong pupuntahan.”

“Sige Kuya.”

Maraming namama­lengke kaya hindi hiniwala­yan ng tingin ni Fred ang babae na ang buong pani­wala niya ay si Ganda. Talagang malaki ang pagkakahawig. Medyo payat nga lang ang babae.

Nakipagsiksikan siya sa mga taong namamaleng­ke. Gusto niyang makalapit sa babae para mapagmas­dang mabuti. Mga limang tao pa ang pagitan niya sa babae. Siksikan. Pumipili ng karne ang kasama.

Hanggang sa makalapit siya sa babae. Nakatalikod sa kanya. Hindi siya mag­pa­pakita. Pagmamas­dan lang muna niya.

Ang height ay kay Ganda. Ang haba ng buhok ay katulad ng kay Ganda. Naka-jeans at shirt. May hubog ang katawan. Pero sa isip ni Fred, mas ma­ganda ang hubog ng kata­wan ni Ganda kaysa sa babaing nasa harapan niya. Nagtalo ang isip ni Fred. Baka namalikmata na naman siya. Baka dinaya na naman siya ng paningin.

Lumakad pa ang ba­bae. Nakabuntot sa ka­sama. Hawak pa rin ang listahan ng pamimili.

Naidasal ni Fred na lumingon sana ang ba­bae. Kapag lumingon ito at napagmasdan niya saka pa lamang maku­kumpirma kung ito nga si Ganda.

Pero tila hindi iba­ba­ling ang mukha sa­pagkat kinakausap ng kasama. Mayroong pinatitsek sa papel.

Gusto na ni Fred na tawaging “Ganda” pero nagpigil siya. Paano kung hindi si Ganda.

(Itutuloy)

vuukle comment

FRED

GANDA

KUYA

MULONG

PASONG TIRAD

PERO

SHY

SI MULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with