^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (16)

- Ronnie M. Halos -

HINDI na nga nagtagal si Fred sa Saudi at makaraan lamang ang isang buwan mula nang malaman ang kataksilan ng asawang si Precy ay nag-file na ng resignation. Maliban kay Pareng Junior niya, wala nang iba pang nakaalam sa dahilan nang biglaan niyang pagre-resign. Pati ang pagre-resign ay lihim din kaya walang nakaalam sa pag-alis niya. Walang naghatid kay Fred sa airport. Iyon ang pinakama­lungkot niyang pag-uwi sa Pinas. Umuwi siyang litung-lito ang isip. Kahit na nga sinabi niya kay Pareng Junior niya na okey na siya at natanggap na ang masaklap na ginawa ni Precy, kapag naaalala niya ang mga nasa retrato ay gusto niyang magsisigaw sa galit.

Habang nasa eroplano ay pinag-iisipan niya ang mga gagawin kapag duma-ting na siya sa bahay. Baka hindi siya makapagpigil ay kung ano ang magawa kay Precy. Baka…baka mapa-tay niya!

Tiyak na magugulat ang taksil na babae kapag naki- ta siya. Siguro ay hindi malaman ang gagawin. Halatang-halata na may nagawang kasalanan.

Naisip ni Fred na ano kaya at sa bayaw niyang si Ricky siya magpunta. Ipagtatapat niya rito ang tungkol sa kataksilan ni Precy. Ipakikita niya ang mga kuhang retrato. Mabuti at hindi niya sinunog ang mga retrato. Matibay na katibayan sa kataksilang ginawa. Hindi maipagkakaila ang kasalanan.

Pero bakit pa niya sa-sabihin kay Ricky? Ano naman ang magagawa nito kung sakali? Wala na itong magagawa dahil nagawa na ang kataksilan. Natuhog na si Precy at ang butas na nalikha niyon ay hindi na maibabalik. Baka sisihin pa siya ni Ricky pagnagkataon. Hindi ba’t ikinuwento nito sa kanya ang kahapon ni Precy. Binigyan na siya ng babala. Pero hindi niya inintindi at sabi pa niya ay okey lang. Kabirhenan lamang naman ang nakuha kay Precy.

Kung alam lamang ni Fred na ganito ang kahihinatnan, sana nga ay hiniwalayan na niya si Precy. Hindi na sana niya sinustentuhan.

Ipinasya ni Fred na sa kanyang bahay na magtuloy. Ano pa ba ang dapat niyang ikalito o ikatakot? At dapat ba siyang matakot?

Isang taksi ang tinawag niya nang makalabas sa arrival ng NAIA. Nagpahatid sa kanyang bahay. Mabilis ang taksi. Walang trapik ng oras na iyon kaya madali siyang nakarating sa bahay.

Bukas ang gate ng bahay niya! Itinulak lang niya ay bumukas. Kabilin-bilinan niya ay huwag ibubukas ang gate dahil maraming magnanakaw. Masama ang kutob ni Fred.

Nagmamadali siyang pumasok sa gate. Nagulat siya nang makitang bukas din ang main door ng bahay.

Pumasok siya. Walang tao. Kahit na hindi siya tu­­mawag, tiyak niya na wa­lang tao.

Lumayas na si Precy! Iyon ang nasa isip niya, Hindi na siya hinintay pa. Hindi na hinintay na magkaroon pa ng komprontasyon.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

IYON

KAHIT

NIYA

PARENG JUNIOR

PRECY

RICKY

SIYA

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with