^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (Wakas)

- Ronnie M. Halos -

NAKANGISI si Bossing.

“SIGE Per, bukas isa­salang na itong si Ma­yumi. Kapag pumatok ang isyu ni Mayumi, me grasya ka na naman. Pati itong si Mayumi, siyempre…”

Nakita ko ang ma­laking pagkakangiti ni Mayumi dahil sa sinabi ni Mr. Diegs.

“Aalis na ako Bossing.”

Lumabas na ako ng opisina ni Mr. Diegs. Du­maan ako kay Frankie. Kinamayan ko.

“Bakit mo ako kina­ma­yan, Per. Huwag mong sabihin na magbi­bigay na naman ng grasya si Bossing.”

“Hindi.”

“O e bakit mo ako kina­mayan?”

“Wala lang. Sige, uwi muna ako.”

“Sige.”

Nagmamadali akong umuwi.

Nagluluto si Jesusa nang dumating ako.

“Tamang-tama ang da­ting mo, Per. Kain na tayo. Matitikman mo itong sini­gang na maya-maya. Ito ang paborito kong iluto. Sanay na sanay ako. Tamang-tama sa asim.”

“Ay paborito ko ‘yan.”

Naghain si Jesusa.

Habang kumakain nag­kukuwentuhan kami. Inu­sisa ang nangyaring paki­kipag-usap ko kay Mr. Diegs.

“Hindi na interesado na maging kober ka, Jesusa. Nakakita na ng model na type niya.”

“O e wala na palang problema.”

“Wala na nga. Pero balak ko pa ring mag-resign. Ayaw ko na, Jesusa.”

“Bakit naman?”

“Para kasing nagiging kasabwat ako ni Bossing sa panloloko sa mga model niya. Yung model niya nga­yon, sigurado titikman muna niya. Tapos pagka­lipas ng ilang posing ng kawawang babae, wala na. Bubuntisin lang. Hindi ko na kaya. Maghahanap na lang ako ng ibang kom­panya. O kaya mag-abroad na lang tayo pagkakasal natin. Mag-try tayo sa Australia o Canada.”

“Sige, Per. Gusto ko rin sa ibang bansa naman.”

“Gusto ko rin kasing ilayo kita, Jesusa. Baka doon makadama ka na ng talagang kapanatagan.”

“Salamat Per.”

“Kapag established nang buhay natin sa ban­sang pupuntahan natin e di tulungan natin ang mga kapatid mo. Siyem­pre, hindi mo sila mata­tanggihan. Ang kapatid ay kapatid. Alam ko sinabi mo lang na hindi na sila tutulungan pero kilala kita, mabuti kang kapatid.”

Napaiyak si Jesusa. Alam ko, ang pag-iyak niyang iyon ay dahil sa matinding kaligayahan. Ngayon pa lamang ay malakas na ang kutob kong matutupad lahat ang mga plano namin ni Jesusa.

vuukle comment

AKO

ALAM

BAKIT

JESUSA

MAYUMI

MR. DIEGS

SHY

SIGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with