^

True Confessions

Black pearl (68)

- Ronnie M. Halos -

MANILA, Philippines - NAGDAAN ako sa isang sikat na restaurant sa SM Fairview at bumili     ng pagkain. Ilang putahe na ang binili ko. Naisip ko, malapit na nga palang birthday ko kaya parang blowout ko na rin kay Rina. Isa pa paalis na rin siya patungong Riyadh. Mas mabuting marami kaming pagsasaluhan. Nakakawa rin naman si Rina. Siguro’y mula nang makasagutan ang biye­nan kahapon e baka hindi pa nakakakain nang ma-a­yos.

Dalawang bag ng pag­kain at drinks ang dala ko. Tinandaan kong mabuti ang lugar nina Rina. Sa likod ako ng SM nagdaan. Tumawid ako sa isang kal­sada sa dakong unahan ng bus terminal. Dere-de­ret­so lang ako at natanaw ko ang guardhouse. Alam ko na. Mula sa guardhouse ay apat o limang bahay na nasa gawing kanan.

Hindi na pala ako kaila­ngang maghanap sapag-kat inaabangan na pala ako ni Rina sa may gate ng ba­hay. Kinawayan ako. Bi­nuk­san nang marahan ang gate pu­masok ako.

“Ang dami mong dala, Frankie. Birthday mo ba?”

“Oo sa makalawa.”

“Ay magkabirthday tayo.”

“Gaya-gaya ka naman, Rina.”

“Totoo nga, Mayo 12 ako.”

“E dapat pala mas ma­rami pa ang binili ko.”

“Ay kakahiya naman. Magluluto na lang ako.”

Ibinaba ko ang mga dala. Pinagmasdan ko ang ba­hay ni Rina. Dalawang pa­lapag ang bahay na na­ka­tayo sa tantiya kong 100 squate meters na lote. Ber-de at dilaw ang pintura. Ma­ra­ming halaman na namu­mulaklak. Malamig sa mata.

 “Ang ganda ng bahay mo,” sabi ko.

“Pawis at dugo ang pu­hunan diyan Frankie.”

“Katas ng Saudi ba?”

“Sobra pang katas.”

Niyaya ako sa loob. Mas maganda sa loob. Malinis. Maraming kasangkapan.

“Upo ka, Frankie.”

“Saan ko ilalagay ‘tong pagkain?”

“Akina.”

Dinala ni Rina sa kusina.

Pinagmasdan ko naman ang mga nakadisplay na kuwadro sa dingding. Mga kuha ni Rina sa Sau­di. May kuha sa isang disyerto na ang nasa back­ground ay camel. May kuha sa Diriyah. Nakadisplay din ang kuha nang mag-graduate siya ng nursing. Pero bakit wala yatang retrato ang asawa niya.

Hanggang mapansin ko sa labas na may isang sasakyan na mabagal ang pagtakbo. Hindi kaya minamanmanan si Rina?

(Itutuloy)

vuukle comment

AKINA

AKO

DALAWANG

FRANKIE

PINAGMASDAN

RINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with