^

True Confessions

Ninong (ika-116 na labas)

- Ronnie M. Halos -

HABANG sakay ako ng mini-bus pauwi sa aming housing sa Sitteen ay si­nasalat ko ang laman ng sobre. Sa bahay ko na raw buksan, sabi ni Jigo. Natutukso tuloy akong buksan. Pero pinigil ko ang sarili. Malapit na naman ako sa bahay.

Nagmamadali ako sa pagpasok sa gate     ng aming villa. Deretso agad ako sa second floor. Ma­bilis na puma­sok sa kuwarto at binuk­san ang matambok na sobre.

Lumantad ang pera. Dollar na! Okey talaga si Jigo. Hindi na ako pahihi­rapang magpapalit pa. Binilang ko iyon. Hindi kasingdami ng nawala sa akin subalit malaking tulong na para sa amin ni Delia na makapagpa­tayo nang mas malaking karinderya. Malaking ka­ragdagan sa iuuwi kong pera.

Nagulat ako nang may nakapa pa sa loob ng en­velope. Tiningnan ko. Sulat ni Jigo. Nasa yellow pad.

“Ninong, salamat sa pag­­tatago ng lihim. Matagal ko ring inisip kung tama nga bang bigyan kita ng pera. Kasi lumalabas na parang binayaran kita para maging kasabwat at huwag ibulgar ang lihim. Pero sa dakong huli, nai­ sip ko, dapat lang na big­yan kita. Alam ko, kaila­ngan mo ito. Hindi lang naman ikaw ang binigyan ko kundi pati na ang nag-iisa kong pinsan sa pro­bin­siya na maraming anak. Hati-hati tayo sa grasya. Isa pa nga hindi ko naman kayang ubusin ang pe­ rang nakuha ko kay Diana kaya dapat lang maambu­nan ka.

 Siguro hindi na tayo magkikita dahil gusto kong sa Canada na lubu­gan ng araw. Ayaw ko nang maalala pa ang masakit na kahapon sa Pilipinas. Magkakaroon na siguro ako ng katahimikan sa Canada sa piling ni Cathy na alam kong mabuting babae. Tiyak ko, kakaiba siya kaysa kay Diana.

Sige, Ninong, salamat uli sa pagtatago ng lihim. —Jigo”

Sandali akong natigi­ lan. May mga bagay tala­ga na mahirap ipaliwanag sa mundong ito. May mga pangyayari na dapat ay huwag nang malantad, gaya ng nangyari kay Jigo at asawang si Diana. At nasangkot ako sa kanila para magkaroon nang matinding aral sa buhay at huwag nang ulitin ang mga pagkakamali.

Tinawagan ko si Delia nang oras ding iyon at sinabi ang lahat. Maski siya ay hindi makapa­ni­wala sa ipinagtapat ko ukol kay Jigo at Diana.

“Pauwi na ako sa isang araw, Del. Tiyak na matutupad na ang pa­ngarap mong magka­ro­on nang maayos at ma­laking karinderya. Pa­uunlarin natin ‘yan.”

Napaiyak si Delia. Tahimik na pag-iyak. Alam ko iyak iyon ng katuwaan dahil babalik ako sa kanila na may matuwid nang direksiyon ang buhay. Nakatitiyak nang mas masaya ang mga susunod pang yug­to ng aming pagsasama sa Pinas. Hindi na kami magkakahiwalay pa.

(Tatapusin na ito bukas)  

vuukle comment

AKO

ALAM

DELIA

JIGO

NANG

NINONG

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with