^

True Confessions

Ninong (ika-110 na labas)

- Ronnie M. Halos -

“ALAM mo bang patay na si Diana, Ninong?” tanong ni Jigo. Hindi ako makatingin sa kanya nang deretso.

Umiling lamang ako. Pinaninindigan ko nang magsinungaling na wa­lang nalalaman sa kan­yang asawa. Nagkun­wari akong inosente. Kung hindi ganito ang ga­gawin ko, baka ma­sama ang kahantungan ko. May mga bagay na dapat ding ilihim.

“Pinatay siya sa kan­yang condo, Ninong. Pag­katapos patayin, si­nunog ang katawan.”

Napailing-iling ako kunwari.

“Galit na galit ang gu­mawa, Jigo?”

“Oo.”

“Meron nang suspek sa pagpatay?”

“Wala Ninong. Maski nang umalis ako patungo rito, wala pang makitang lead ang pulisya.”

Naalala ko ang sinabi ng kasamahan sa opisina ni Diana. Wala nga raw makitang ebidensiya ang mga pulis kaya hirap na hirap tukuyin ang suspek.

“Sinunog kasi ang mga ebidensiya, Ninong. At pati nga mukha ni Diana hindi na makilala dahil nasunog.”

Napa-tsk-tsk-tsk ako.

“Palagay ko hindi na maso­solb ang kaso ano Jigo?”

“Siguro nga Ninong…”

Hinihintay kong sabihin ni Jigo ang “lihim” niya pero nanatili lamang na tahimik. 

“A-anong lihim ang sina­sabi mo Jigo? Me kaugna­yan ba sa pagkamatay ni Diana?”

Saka pa lamang tila na­tauhan si Jigo.

“Oo Ninong. Sana tayong dalawa na lang ang makaalam nito. Kaya mo ba Ninong?”

“Ano ba iyon?”

“Ako ang nagpapatay kay Diana!”

Gimbal ako. Ang taong ito na parang hindi maka­basag ng pinggan ang nag­papatay sa asawa?

“Kung ikaw ang nasa kalagayan ko Ninong, ano ang gagawin mo? Lalo na kung makita mo ang iyong asawa na may nakapatong na iba?”

Hindi ako makasagot. Paano nga ba?

“Maraming beses kong tinanong ang sarili Ninong. Dapat ko bang gawin ang balak na iyon? Pero nanaig sa akin na paghigantihan ang taksil na babae…”

“Sino ang gumawa?”

“Mamamatay-tao na labas masok sa city jail. Madali lang kapag me pera, Ninong. Ni hindi ko nga na­ubos ang perang na­kuha ko sa ATM at bag ni Diana… me sobra pa.”

Hindi ako makapag­salita. Ang pera rin pa­lang galing sa akin ang gagamitin sa taksil na babae.

Ayaw ko na sanang pakinggan pa ang mga ka­rugtong ng kuwento sa kamatayan ni Diana pero patuloy si Jigo. Gustong ilabas lahat ang sukal sa dibdib. Lahat na ay gus­tong isiwalat.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

DIANA

JIGO

NINONG

OO NINONG

SHY

WALA NINONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with