^

True Confessions

Warat na sapatos Ni Cinderella (63)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Cindy ng Pasay City)

NAPALUNOK ako sa sinabi ni Melvin Underwood na magpapadala siya ng $500. Malaking halaga na iyon. Malaki ang maitutulong sa aming tatlo ni Jomar at Cholo. Siguro’y naawa nang sabihin kong hindi pa kami sumusuweldo sa kompanya na pinagsisilbihan ko bilang secretary.

Ipadadala raw niya ang pera thru door-to-door services.

Wala pang isang linggo ay isang mensahero ng door-to-door ang dumating sa aming bahay at ibinigay ang pera. Mahigit na P25,000 ang $500.

Agad akong sumulat kay Melvin bilang pasasalamat. Sabi ko, tuwang-tuwa rin ang anak kong si Cholo. Sinabi kong malaki na ang batang natulungan niyang lumabas sa hospital nang ito’yÿÿÿÿ ipanganak. Si Melvin kasi ang nagpadala ng pera nang ako ay manganak kay Cholo noon.

Agad kong ipinadala ang sulat kay Melvin.

Araw-araw ay naghihintay ako sa pagdaan ng karterong si Mang Dencio. Marinig ko lamaÿÿÿÿng ang tawag ni Mang Dencio ay nasisiyahan na ako. Kahit na malayo pa si Mang Dencio sa amin ay naririnig ko na ang boses niya.

"Cindy! Cindy!"

Kaskas na agad ako ng takbo pababa ng bahay. Kahit na wala akong bra at bakat na bakat ang utong sa t-shirt ay hindi ko na inintindi. Mas mahalaga sa akin ang sulat ni Melvin.

"Sulat mo galing sa Tate!"

Inabot ko ang sulat.

"Isa lang po, Mang Dencio?"

"Oo.

Akala ko ay aalis na si Mang Dencio. Pero hindi pala dahil nakipagkuwentuhan sa akin. Humingi pa ng malamig na malamig na tubig ang matanda.

"Ang sarap ng tubig, Cindy," sabi matapos lagukin ang tubig na ibinigay ko. "Salamat nang marami."

"Okey lang."

"Siguro malapit ka nang umalis ano Cindy. Panay na panay ang sulat ng penpal mong si Underwood."

"Medyo malapit na po," pagsisinungaling ko.

Napansin ko na pasulyap na tumingin sa akin si Mang Dencio. Nakatutok na kaagad ang mga mata sa malulusog kong "boobs".

Pagkaraan ay nagtanong.

"Suwerte naman ng ka-penpal mong Kano na iyon. Ubod ka ng ganda at sexy, Cindy."

(Itutuloy)

vuukle comment

CINDY

KAHIT

MANG DENCIO

MELVIN

MELVIN UNDERWOOD

YUML

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with