^

True Confessions

Sadik (ika-70 na labas)

- Ronnie M. Halos -
(Kasaysayan ni Tony Z. ng Riyadh)

"GUSTO ko sa huwes lamang kami makasal ni Sadik, Tony kung uuwi tayo sa Pinas."

"Ayaw mo nang bonggang kasalan?" tanong ko.

"Hindi na. Sinabi ko na rin kay Sadik iyon noong magkausap kami. Ako raw ang bahala. Kung ano raw ang gusto ko, iyon ang masusunod. Wala raw siya sey."

"Okey naman pala e di pag-uwi na lang natin sa Pinas idaos ang kasal."

"Wala namang magiging probema kung sakali dahil hindi ka naman kasal sa dati mong asawa di ba?"

Tumango si Tina.

"E paano kung yayain ka naman ni Sadik na magpaka- sal dito sa Saudi in Muslim rites?"

"Walang problema. Susundin ko rin siya gaya ng pagsunod niya sa akin."

"Wow naman. Talagang nakakakilig ang istorya ng pag-ibig n’yo, Tina."

"Kayo ang may kasalanan nito," sabi ni Tina at nagtawa.

"Kailan n’yo balak umuwi, Tina?"

"Sabi ni Sadik sa isang taon na para raw one year old na ang baby n’yo at hindi mahirap sa biyahe."

Napangiti ako. Inalala pa ni Sadik ang aming baby. Talagang mahal niya ang anak namin ni Susan.

"Ipaalam mo na sa magulang mo at sa iyong anak ang balak mo Tina para nakapaghahanda rin sila."

"Gagawin ko na nga iyon. At siguro naman hindi na tututol si Inay sa pagkakataong ito."

Medyo gumaralgal ang boses ni Tina. Halatang noon ay pinigilan siya ng ina.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

GAGAWIN

HALATANG

INALALA

SADIK

TALAGANG

TINA

TONY Z

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with