^

True Confessions

Apoy sa Balsa (69)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

KINAUMAGAHAN sa opisina, tila wala sa sarili si Rhea. Hindi kasi siya nakatulog buong gabi. Nakaupo siya sa kanyang mesa, tulala habang nasa harap ng laptop habang iniisip kung paano kakausapin si Kael tungkol sa nakatakdang staged date sa BGC nang hindi ito nagwawala o gumagawa ng hakbang na makasisira sa kanilang career.

Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Miss Agatha.

“Rhea, may emergency meeting with the client”

Nagtataka man, agad na tumayo si Rhea. Kasabay niyang pumasok sa conference room si ­Manager Frank, may malapad na ngiti sa mukha habang hawak ang tablet, marahil ay nag-iisip ng mga PR stunt para kay Kael at Winona.

Ngunit pagpasok nila sa silid, nakaupo na sa gitna ng couch si Marco.

Naka-tailored grey suit ito, may hawak na manila folder. Walang anumang bakas ng ngiti sa kanyang mukha. Malamig at nakapokus ang kanyang mga mata.

“Anong nangyayari, Marco?” takang tanong ni Miss Agatha habang nauupo sa kanyang swivel chair. “May problema ba sa bagong storyline?”

“The storyline is perfect,” malamig na wika ni Marco, bago dahan-dahang itinaas ang kanyang tingin at pinalipat-lipat ito kay Miss Agatha at kay Manager Frank. “The problem is the unauthorized risk management on the talent’s end.”

Napakunot ang noo ni Manager Frank. “Pardon me, Marco?”

Ibinaba ni Marco ang folder sa ibabaw ng mesa at itinulak ito patungo sa harap ng manager ni Kael.

“We received reports of planned external media stunts and staged public setups involving our brand ambassadors for this weekend,” diretsahang wika ni Marco, ang boses ay may matinding awtoridad. “Let me make this clear, Frank. The brand paid for Kael’s exclusive image under strict guidelines. Any unapproved PR gimmick, staged dating leak, or cheap romance publicity that distracts from the campaign’s core narrative will be treated as an immediate breach of contract.”

Nanlaki ang mga mata ni Manager Frank. Bahagyang namutla ang kanyang mukha.”

(Itutuloy)

RHEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with