^

True Confessions

Apoy sa Balsa (71)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

PAGPASOK pa lang ni Kael matapos mag-gym, napansin niya agad ang pagbabago sa aura ni Rhea. Nakaupo ang dalaga sa carpet sa tabi ng sofa, nakasandal ang ulo sa gilid ng mesa, at tila nakawala ang lahat ng bigat na ilang araw na nitong pasan.

Naupo si Kael sa tabi niya. “Rhea... bakit parang puyat na puyat ka?” alalang tanong ng binata. “Tumawag si Manager Frank kanina. Nag­­mamadali, mukhang balisa. Sinabi niyang cancelled raw muna ‘yung dinner kasama si Winona. Sabi niya, masyadong strict ang kliyente.”

Tumingin si Rhea sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon mula noong magsi­mula ang bagyong “Wi­Kael”, ngayong lang siya ngumiti.

“Alam mo ba kung anong halos mangyari ngayong weekend, Kael?” mahinang pa­ni­mula ni Rhea.

Ikinuwento ni Rhea ang lahat, ang narinig niyang lihim na plano nina Manager Frank at Manay Helen para sa isang pekeng dinner date sa BGC, ang kanyang takot at luha, at kung pa­ano ginamit ni Marco ang kapangyarihan nito bilang Product Manager upang harangan ang da­lawang manager at protektahan silang dalawa.

Habang nakikinig si Kael, unt-unting napalitan ng panlalamig ang kanyang mukha, bago ito pinalitan ng isang matinding reali­sasyon. Naintindihan niya kung gaano ka­delikado ang mundong pinasok niya.

Walang sinabing salita si Kael. Dahan-dahan niyang niyakap si Rhea at isiniksik ito sa kanyang dibdib, habang mahigpit nitong ipinupulot ang kanyang mga braso sa likod ng dalaga.

Ipinikit ni Rhea ang kanyang mga mata, hinayaan lang na yakapin siya ni Kael.

“Salamat, Rhea...” bulong ni Kael sa kanyang buhok, ang boses ay bahagyang nanginginig sa matinding emosyon. “Salamat sa paglaban para sa akin. Para sa atin.”

Huminga nang malalim si Rhea, kuma­wala ang huling natitirang kaba sa kan­yang katawan.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with