^

True Confessions

Ninang Joy (Ika-99 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Batay sa kasaysayan ni ERIC ng Riyadh, KSA)

HAHABOL sa kasal namin ni Ninang Joy ang kaibigan at kasamahan ko sa trabahong si Joey. May aayusin lamang daw siyang mahalagang trabaho. Pero hindi na abay ang papel niya kundi ninong.

"Darating ako sa kasal n’yo," sabi ni Joey. Siya ang naghatid sa amin sa King Khaled International Airport.

"Hintayin ka namin ni Ninang, Ninong" sabi ko. Nagtawa si Joey.

Habang nasa eroplano ay patuloy naming pinaplantsa ni Ninang ang tungkol sa aming kasal ni Ninang. Kailangang nasa ayos ang lahat sa espesyal na araw na iyon.

"Sabay ba tayong magpapakita sa inyo Eric?"

"Aba hindi."

"E saan ako uuwi paggaling sa airport? Ayaw kong umuwi sa amin sa San Pablo."

"Itutuloy muna kita sa five star hotel sa Makati."

"Baka naman maburyong ako roon?"

"Hindi."

"Kailan ako pupunta sa bahay n’yo?

"Kinabukasan."

"Puwede mo akong sunduin sa hotel?"

"E di magtataka sina Mama."

"Ay oo nga."

"Basta sumulpot ka sa bahay at tapos na ang kuwento."

"Sige."

Ganoon ang nangyari. Dinala ko sa isang five star hotel si Ninang. Kumuha kami ng isang suite.

"Hintayin kita bukas sa bahay. Alas nuwebe ng umaga."

"Darating ako." (Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

BATAY

DINALA

HINTAYIN

ITUTULOY

KING KHALED INTERNATIONAL AIRPORT

NINANG

NINANG JOY

SAN PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with