^

True Confessions

Jamias (Ika-61 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

ISA pa sa hindi malilimutang karanasan ni Jamias ay nang isang lumpong Hapones ang dalhin sa kanyang tanggapan sa Ermita police station noong January 1999. Nagulat si Jamias nang makita ang Hapones na nasa wheelchair. Dinala roon ng dalawang barangay tanod na nagngangalang Noel Villanueva.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Jamias.

"Nakita namin Sir sa Benitez St. Paco."

"Anong sinasabi?"

"Hindi namin maintindihan, Colonel. Ano e baluktot ang English na parang Japanese. Pero ang naintindihan ko, ninakawan daw siya ng 50,000 dollars ng kanyang mga kaibigan."

"Sige, kami na ang bahala rito. Salamat sa inyong pagtulong sa Japanese na ito. Tama lamang ang ginawa n’yo," sabi ni Jamias at umalis na ang mga mabubuting tanod.

Nakakaintindi ng Niponggo si Jamias kaya hindi naging mahirap para makipag-communicate sa lumpong Japanese.

Sa masusing pagtatanong ni Jamias ay naikuwento sa kanya ng Japanese na nakilalang si Teramato Kuzunobu, 41, ang mga nangyari sa kanya. Inabandona na raw siya ng kanyang mga kaibigan. Nang tanungin ni Jamias kung sino ang mga kaibigang iyon, sinabi niyang dalawang Pilipino.

"Wala na akong pera kaya ako iniwan," sabi ni Teramato (salin mula sa Niponggo).

"Nasaan na sila?"

"Umalis na sila. Dati nasa five star hotel kami."

"Bakit ka ba narito sa Philippines?"

"Ako’y narito para sa bakasyon. Malamig sa Japan. Hindi kaya ng aking katawan. Masyadong masakit ang katawan ko kapag winter doon. Tama lang klima dito sa Pilipinas."

"Ano ang iyong trabaho sa Japan?"

"Dati akong university professor."

"Anong nangyari at hindi ka na nakalakad?

"Nalumpo ako dahil sa isang aksidente."

"Anong aksidente?"

"Aksidente sa kotse."

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

ANONG

BENITEZ ST. PACO

DATI

ELMER MEJORADA JAMIAS

HAPONES

JAMIAS

NIPONGGO

NOEL VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with