^

True Confessions

Jamias (Ika-34 labas)

- Ronnie M. Halos -
(Tunay na kasaysayan ni Police Supt. Elmer Mejorada Jamias, WPD Station 2 Command)

IYON na ang katapusan ng pamamayagpag ni Macmod. Bumagsak itong padapa at namatay noon din.

May ilang minuto ring nanatili si Jamias sa kinaroroonan. Malay niya ba kung patay na nga si Macmod o palabas lamang gaya ng ginawa kanina. Tuso si Macmod. Nakiramdam siya ganoon din ang mga kasamahan.

Nang masigurong patay na lumapit siya kay Macmod at nagsunuran ang mga kasama.

Sa operasyong iyon ay nahuli ang dalawa pang lalaking kasamahan ni Macmod na sina Ramir Manantan at Jose Luis. Hindi nila nagawang lumaban. Ang babaing kasamahan nina Macmod ay nagngangalang Jackie. Siya ang "hinostage" ni Macmod. Asawa pala ni Macmod si Jackie.

Nang inspeksiyunin ang loob ng Pajero, nakuha roon ang mga baril, bala at mga ID ni Macmod.

Saka lamang nakahinga nang maluwag si Jamias at mga kasamang pulis na sina SPO4 Edgardo C. Ramirez, SPO2 Mario L. Manlutac, Chief Insp. Ferdinand Ampil Sr., SPO3 Rey S. Cocson, SPO2 Bernardo A. Pardales, SPO2 Joselito D. Von Possel, SPO1 Leonardo A. San Sebastian, PO3 Romeo C. Velarde, PO2 Emmanuel B. Valenzuela, PO1 Rommel S. Anicte, PO1 Allan Herrera, PO1 Cornelio R. Vicente at PO1 Jaime G. Lopena.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALLAN HERRERA

BERNARDO A

CHIEF INSP

CORNELIO R

EDGARDO C

ELMER MEJORADA JAMIAS

EMMANUEL B

FERDINAND AMPIL SR.

JAIME G

MACMOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with