‘My Red Rooster Miracle’
Sa pagpapatuloy ng Segunda Visita
Noong first week of October sa Tierra Santa,
Saxum Pilgrimage 2019 ang kasama,
Huling naikwento our “renewal” sa Cana!
October 7 ito’t ‘di namin napuna
Na susunod na araw ay Yom Kippur pala!
The holiest day of the year for the Jews baga!
Day of Atonement! Parang pagsisisi rin ba!
Ngek! Kaya mga boys na la’y patay-malisya!
Pagkakatao’y ‘di naman sadya talaga!
Kaya sa Sea of Galilee misis dinala
At sinayaw sa himig ng “Hava Nagila!”
At kapalpakan pa nga ay lalong humaba
At mga pangyayari higit pang pumakla!
Sapagkat sa “reception” o sa lunch ang handa
Ay Saint Peter’s Fish … the controversial tilapia!
Sumunod na araw ay nakalimutan na,
Sa may Mount Tabor naman ang grupo nagpunta —
Church of Transfiguration at doon nagsama
Poong Hesukristo, si Moses at Elijah!
One and a half hours ang sa Jericho papunta,
Pagdating Church of the Good Shepherd ay nagmisa,
‘Tapos n’yan ay nag-Shoplom este, Shalom pala!
Nag-hello sa mga shops and souvenirs muna!
Of kors mga Palestino na nagbebenta
Ay Pilipino na rin ang salita nila!
At kahit medyo mahal ang kanilang tinda,
Bibili ka dahil they would say, “Mahal kita!”
Syempre buhay na buhay ang mga asawa!
Ang daming beauty products kahit from Dead Sea pa!
Nang aking mapuna ala una na pala!
Dahil nasa Holy Land Holy Lunch na muna!
And then sa Jerusalem ay dumiretso na
Pero nag-Saint Peter in Gallicantu muna,
Dito tatlong ulit si San Pedro nga pala
Itinatwa ang Maestro at hindi kilala!
Si Caiaphas kuno ay dito nakatira!
Nang arestuhin si Hesus dito dinala!
May dungeon sa ilalim at Sya’y kinadena!
Ito lugar nais kong balikan talaga!
May gusto lang akong siguruhin kumbaga
Sapagkat nung una ko itong nabisita,
Tila pinaglaruan aking mga mata!
May hugis ng manok sa aki’y nagpakita!
Nandun pa rin mga mantsa na kulay pula,
Hinanap agad lugar kung saan nakita,
Baka naman kasi merong ganon talaga
Subalit sisiw man o itlog ay wala na!
Ako ay naniniwala … merong himala!
Pero bakit yon Inasal ni Pedro kaya?
O nag-chicken out lang talaga mangingisda?
Kumbaga sabong ‘di makalipad … nanlupa!
Ngunit lahat daw nangyari ay sinasadya
At Panginoon din ang may akda at gawa!
May humalik at may tatlong ulit nagtatwa!
Ano nga kaya kung hindi nila ginawa?
- Latest
- Trending