^

PSN Showbiz

Max at Luis, bida sa putahe ng pagmamahal

Pilipino Star Ngayon
Max at Luis, bida sa putahe ng pagmamahal
Tampok sa naturang drama special ng GMA Public Affairs ang mga kuwentong hango sa tunay na buhay at nagtatampok ng iba’t ibang putahe ng pagmamahal.

Sina Max Collins at Luis Hontiveros ang tampok sa episode ng Recipes of Love ngayong Linggo (May 26) bago ang The Atom Araullo Specials sa GMA. Makakasama rin nila si Liezel Lopez.

Tampok sa naturang drama special ng GMA Public Affairs ang mga kuwentong hango sa tunay na buhay at nagtatampok ng iba’t ibang putahe ng pagmamahal.

Sa episode na Cabbage Lumpia, gagampanan nina Max at Luis ang former couple na sina Emilissa at Jerrick, na may anak na si Alyssa (Queenzy Calma).

Sa edad na limang taong gulang ay mahusay na sa pagluluto ang batang si Alyssa Teoda o mas kilala sa bansag na “Chef Aiza.” Sikat siya sa kanilang lugar sa Davao bilang isang batang “Chef.”

Nakatira sa barong-barong ang kanyang pa­milya. Ayon sa kanyang inang si Emilissa, noong 4 years old si Alyssa ay lagi na raw itong nanonood kapag siya ay nagluluto. Hindi naman daw niya gaanong napapansin na nahihilig na sa pagluluto ang kanyang bunso. Kaya naman nang minsang umuwi siya galing sa trabaho, nagulat siya na may lutong ulam na sa kanilang lamesa.

Magmula noon, parati nang nagluluto ang batang si Aiza—pang-masterchef nga raw ang mga putahe nya, sabi ng kanilang mga kapitbahay. Pero ang paboritong lutuin ni Aiza ay ang kanyang “Cabbage Lumpia” na sikat din sa vlog niya. Marahil dahil ito ang nagpapaalala ng masaya niyang pamilya noon.

Hiwalay ang mga magulang ni Aiza. Pinagbubuntis pa lang siya ng kanyang ina ay nahuli nito ang asawa na may kabit. Pero mas pinili ng tatay Jerrick ni Aiza ang kanyang kabit at dun sumama. Iniwan nito ang asawang si Emilissa na itaguyod mag-isa si Aiza.

Matapos ang ilang taon, bumabalik si Jerrick sa buhay ni Emilissa at Aiza na para bang naibaon na lahat sa limot ang mga kasalanang kanyang ginawa. Ano ang tunay na motibo ni Jerrick para magpakita sa kanyang mag-ina? Handa ba ang mag-ina na tanggapin muli si Jerrick sa kanilang buhay?

vuukle comment

ACTRESS

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with