^

Pang Movies

Female singer, naka-full make up ‘pag natutulog para makilala ng mister

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibang klase pala kung matulog ang isang female singer na may asawa. Para siyang magko-concert dahil sa suot niyang damit habang natutulog!

Eh ayon sa source namin, ‘yung husband kasi niya, naninibago sa hitsura ni singer pag matutulog na. Ibang-iba raw ang mukha nito kaya feeling ng husband, hindi siya ang asawa niya.

Nai-Marites ito ng husband sa isang singer na asawa ng kaibigang babae ng singer. Naichika niya ang reklamo ng asawa sa female singer.

Kaya naman ang ginawa ng female singer para hindi siya iwanan ng asawa, aba, tuwing gabi, ayos na ayos ang kanyang buhok at pang-concert ang suot niyang pantulog at naka-full make up para hindi manibago ang asawa niya, huh!

paolo, nakakapanibago

Ayaw nang magsalita ni Paolo Contis sa isyung nag-unfollow na sa kanya ang girlfriend na si Yen Santos sa kanyang Instagram.

Nakakapanibago ang katahimikan ni Paolo eh ginusto niya ‘yan kaya pabayaan na natin dahil lalabas din naman ang totoo kung hiwalay na sila ni Yen o hindi!

vuukle comment

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with