^

PM Sports

Gin Kings, Beermen ilalayo ang serye

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gin Kings, Beermen ilalayo ang serye
Nailusot ni Ginebra guard Stanley Pringle ang kanyang layup kontra kay Chris Newsome ng Meralco sa Game 1.
PBA Image

MANILA, Philippines — Higanteng 2-0 abante ang tangka ng San Miguel at Ginebra habang matamis na ganti upang makatabla ang nais ng Rain or Shine at Meralco sa krusyal na Game 2 ng 2024 PBA Philippine Cup semifinals ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sisiklab ang giyera sa alas-3 ng hapon tampok ang Gin Kings kontra sa Bolts kasunod ng bakbakan sa pagitan ng Beermen at Elasto Painters sa alas-6:15 ng gabi.

Nakauna ang San Miguel kontra sa RoS sakay ng dikit na 101-98 panalo habang nakalusot din ang Ginebra sa karibal na Meralco, 92-88, para sa parehong 1-0 kartada ng kanilang best-of-seven serye.

Para kay Gin Kings coach Tim Cone, isang panalo palang ang naisukbit nila at walang kwenta ito kung hindi masusundan sa Game 2.

“The bottom line is it’s just Game 1. It’s a long series. It’s a lot of games ahead of us. It’s just nice to get the first one out of the way, as it always is in a series,” ani Cone.

Bumida sa panalo ng Gin Kings si Stanley Pringle na kumana ng 22 puntos tampok ang ilang krusyal na baskets sa fourth quarter upang mapigilan ng Gin Kings ang tangkang comeback ng Bolts.

Ang panalo sa Game 1 din, pati na ang alas na si 7-time PBA MVP June Mar Fajardo na humakot ng 23 puntos, 11 rebounds at 3 tapal, din ang sasandalan ng Beermen upang makaulit sa Elasto Painters.

Subalit hindi ito magiging madali lalo’t gigil makabawi ang RoS at Meralco.

Pangungunahan nina Chris Newsome, Chris Banchero, Allein Maliksi, Raymond Almazan at Cliff Hodge ang ganti ng Bolts habang babandera sa resbak ng Elasto Pain­ters sina Beau Belga, Gian Mamuyac, Santi Santillan, Jhonard Clarito at Andrei Caracut.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with